RITZ AZUL HINDI PRIORITY ANG LOVELIFE KAHIT MATIYAGA ANG MANLILIGAW

julie bonifacioNAGMISTULANG reunion para sa sexy actress na si Ritz Azul ang pagdalo niya sa grand announcement ng walong official finalists para sa CineFilipino Film Festival (CFFF) ng Cignal TV and Unitel Productions, Inc. Kasali si Ritz sa isa sa official entries sa filmfest, ang  “Mata Tapang” sa direksiyon ni Rod Marmol.

“Natutuwa ako ngayon kasi lahat ng tao sa TV5 nakita ko dito sa grand launch ng Cine Fiilipino for this year, parang reunion,” bu­ngad ni Ritz.

Kabilang si Ritz sa tinaguriang primetime princesses ng Kapatid network dati na si Arci Muñoz, Da­nita Paner at Eula Caballero bago siya lumipat sa ABS-CBN noong 2016.

Sa CineFilipino filmfest movie entry niya na “Mata Tapang” ay gaganap siya bilang maybahay ni Edgar Allan Guzman.

Reunion na rin na masasabi ni Ritz ang “Mata Tapang” para sa kanila ni Edgar na nakasama niya nang ilang taon sa ‘Loko Moko’ gag show ng TV5 noon.

May sweet moments daw sila ni Edga r sa movie pero konti lang at wala namang sobrahg init na eksena bilang mag-asawa.

“Hindi naman bawal sa akin na makipag-bed scene ako or love scene. Siguro nandu’n ‘yun sa direktor din naman. Siya  rin ‘yung nagsabi na, ‘O, ganito lang ‘yun.’ Sobrang ingat din kasi ng direktor namin. ‘Tsaka mas tutok siya doon sa drama hindi sa love scene.”

Tinanong din namin si Ritz kung may boyfriend ba siya ngayon.

“Ano ba? Ah, well, paano ba’ng…hindi siya sa priority ko. Pero uhm, me­rong mga nanliligaw.”

Natawa naman si Ritz when we asked her again kung nakapila ba ang kanyang mga manliligaw?

“Hindi naman nakapila. May mga umaalilgid. Nand’yan lang. Non-showbiz. Pero, ma­linaw sa kanya, lalo na doon sa iba, malinaw sa mga manlili-gaw na hindi ko priority itong path na pakikipagrelas­yon. Pero nandun pa ako, kasi lalo na dumating ang kapatid ko.  Ele­ven months pa lang siya. Magwa-one year na siya sa May.”

May isang ardent suitor si Ritz na medyo bini­bigyan daw niya ng pansin. Nasa tabi lang daw niya ‘yung guy at umaasa pa rin na sasagutin siya.

“Willing naman siyang maghintay,” ngiti ni Ritz. “At masaya naman ako na merong nagpapasaya sa akin. Pero walang commitment.”

MU sila? “Hindi ko masabing ganu’n, e. Basta ang gusto ko sa lalaki, willing niyang kilalanin ang buo ko’ng pamilya kahit ano man ‘yun.”

Bukod doon, walang maibigay si Ritz na specific qualities nu’ng guy kung bakit ini-entertain niya ang kanyang masugid na manliligaw.

“Hindi pa ako doon nakakatutok ngayon. Ang sa akin lang, gawin mo ang gusto mo’ng gawin. Basta ako, eto ang gfocus ko ngayon. Kung kaya mo ako’ng hinatyin, hintayin mo ako. Parang ganu’n sa akin.”

Samantala, mabilis na natapos ang teleserye niya with Paolo Avelino sa ABS-CBN, ang “The Promise of Forever.” At sa ngayon ‘di pa matiyak ni Ritz kung ano ang susunod na seryeng gagawin niya sa Kapamilya network.

Hindi naman daw siya naiinip kung matagal bago siya bigyan ng bagong serye. Naniniwala siya na nasa timing din daw ‘yun ‘pag dumating. Pero kung may chance na makapamili raw siyang leading for her next drama series, type niya si Empoy Marquez na makapareha.

Comments are closed.