RIVER ADVENTURE PARK SA SJDM BUKAS NA

MAY karagdang mapapasyalan na ang mga San Joseño.

Ito ay matapos buksan ng lokal na pamahalaang lungsod ng San Jose Del Monte, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ang bagong river adventure park.

Nagdaos ng isang misa kasabay ng pagpapasinaya ang pagbubukas nito kahit hindi pa man lubusang tapos at pinangunahan ni Mayor Arthur Robes at kanyang maybahay na si Representative Florida ‘Rida’ Robes.

Ang river adventure park ay bukas sa publiko saan maaaring pagdausan ng iba’t ibang okasyon.

Ayon kay Mayor Robes, noong panahon ng pandemic, pinagbabawalang makalabas ang mga tao kaya isa ito sa proyekto na kanyang inilarga bilang preparasyon sa muling pagluwag ng sitwasyon para sa mga San Joseño.

Ayon kay Mayor Robes, noong siya ay nasa Kongreso, ang proyekto nito ay ang mag-develop ng mga parks at play ground sa lungsod ng San Jose Del Monte.

Kasabay nito, inihayag din ng Alkalde na plano rin ng lokal na pamahalaan na magtayo ng mga bike lane at jogging lane sa gilid ng river bank upang mapakinabangan.

Ibinida ni Rep. Robes ang dating lugar na madilim at masikip.

“We are happy because we are giving in malamig na simoy ng hangin, magandang lugar at ligtas na pwedeng lakaran, pwede rin mag exercise, so itong lugar na ito ay magsisilbing pahingahan ng mga tao, maglibang, mamasyal at higit sa lahat ay magmuni muni kung ano ba ang plano nila sa kanilang buhay,” pahayag ni Rep. Robes.

Sinabi ni Rep. Robes na target nilang mag asawa na maging highly urbanized city ang SJDM sa pagsapit ng Oktobre kaya naman apela nito sa mga San Joseño na suportahan sila sa kanilang magnadang harangin sa pagpapaunlad ng SJDM.