RIZAL – OPISYAL na idineklara ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ganap nang insurgency-free ang lalawigan ng Rizal matapos ang isinagawang ceremonial proclamation ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) status ng lalawigan kamakalawa sa Antipolo City.
Ang makasaysayang kaganapan ay ginanap sa Rizal Provincial Capitol Complex na pinangunahan ni Rizal Provincial Governor Hon. Nina Ricci Ynares at dinaluhan ng mga prominenteng tao mula sa pamahalaan at non government sectors kabilang si National Security Adviser Sec. Eduardo Año, Department of Interior and Local Government (DILG) Region IV-A Regional Director Ariel Iglesia, League of Mayors President Hon. Cesar Ynares.
Kasama sa pagdedeklara na wala ng impluwensiya ang CPP-NPA sa nasabing lalawigan sina Southern Luzon Command (SOLCOM) Commander Lt. Gen. Facundo Palafox IV, Southern Luzon Area Police Command Commander PLt. Gen. Jonnel Estomo, 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division (2ID) Commander Brig. Gen. Cerilo Balaoro Jr., 202nd Infantry “Unifier” Brigade Officer-in-Charge (202Bde) Col. Jess Alcudia, and 80th Infantry “Steadfast” Battalion (80IB) Commander Lt. Col. Mark Anthony Ruby.
Tampok sa nasabing kasaganapan ang paglagda sa Memorandum of Understanding at pag aalis ng tabing ng SIPS marker na sumisimbolo sa sama samang commitment na pagmamantini ng peace and security sa rehiyon.
Ang pagdedeklara ng pagiging insurgency free ng isang lalawigan matapos na matagumpay na makamit nito ang SIPS status ng 13 municipalities at isang lungsod sa probinsya.
Ayon kay Brig. Gen. Balaoro; “the declaration of Rizal as insurgency-free is a testament to the strong collaboration between all levels of government, various stakeholders, government agencies, the communities, and the security sector over the years.”
VERLIN RUIZ