ISANG malaking karangalan ang nakamit ng Rizal Park sa puso ng Maynila matapos itong tanghaling pangalawa sa most search park batay sa Google’s Year in Search 2024.
Ang tagumpay na ito ay naglagay sa Rizal Park bilang kauna-unahang parke sa Pilipinas na napabilang sa prestihiyosong Top 10 sa pandaigdigang antas!
Kilalang Luneta Park, ang malawak na espasyong ito na may sukat na mahigit 50 ektarya ay nagsisilbing makulay na tagapagpugay sa mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.
Tampok dito ang bantayog ni Dr. Jose Rizal, ang itinuturing na pambansang bayani na pinalilibutan ng magagandang hardin, makasaysayang museo at silid-aklatan na siyang nagbibigay-halaga sa yaman ng kultura ng Pilipinas.
Narito ang listahan ng Top 10 Most Searched Parks in the World sa Google Maps ngayong 2024:
- Central Park, USA
- Rizal Park, Pilipinas
- Ohori Park, Japan
- Park Güell, Spain
- Odori Park, Japan
- Red Rocks Park and Amphitheatre, USA
- Plaza Botero, Medellín, Colombia
- Stanley Park, Canada
- Nara Park, Japan
- Hyde Park, United Kingdom
Ang pagkilala sa Rizal Park sa global ranking na ito ay patunay sa kahalagahan nito bilang isang pambansang pamanang makasaysayan at patuloy na paborito ng mga lokal at banyagang turista.
RUBEN FUENTES