UMAAYUDA na rin ang contingent ng Rizal Police Provincial sa mga evacuee ng pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas.
Ayon kay Rizal Police Provincial Director PCol Renato Sanao Alba agad na sumunod ang isa pang police contingent kahapon at sila ay mananatili hanggang kumalma na ang tensiyon sa lugar dulot ng pagsabog ng Taal Volcano.
Kaugnay pa rin sa pagsabog ng bulkan, pinayuhan ng Department of Health ang mga mamamayan na magsuot ng face mask para hindi makalanghap ng abo mula sa pagsabog ng Taal Volcano dahil mayroong masamang epekto ito sa kalusugan. ELMA MORALES