SEND-off ng security forces at resources para sa Traslacion ng Itim na Poong Nazareno 2025, Inilunsad ng Rizal PNP. Kuha ng Rizal PPO
MAAGANG tinipon ni Rizal Provincial Director PCol. Felipe Maraggun kahapon, January 8 ang kanyang mga tauha sa parade ground na mahigit sa 100 tauhan bilang umaktong augmentation sa pagtataguyod ng maayos at mapayapang pagdaos ng Traslacion ng Itim na Poong Nazareno ngayong araw sa Maynila.
Inaasahan naman ang pagdadala ng milyon-milyong deboto mula sa ibang lugar at makikiisa sa pagpasan ng andas.
Kung kayat ang pwersa ng pulisya ay gayundin ang mahigpit na pagbabantay at pag-deploy ng maraming pulis upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa nasabing pagdiriwang.
Samantala, pinuri niMaraggun ang mga kawani ng Rizal PNP na lumahok sa pagbabantay ng pista ng Nazareno sa kanilang dedikasyon at buong loob na tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng ating mga deboto sa taun-taong kaganapan na ito.
Dagdag pa na paalala ng butihing direktor sa mga deboto na sumunod sa mga alituntunin ng batas upang sama-sama nating matamasa ang tahimik, maayos at ligtas na pagdaraos ng pista ng Itim na Nazareno.
“Suporta at pang-unawa po ang hiling natin sa lahat, wala po kaming ibang hangad kundi ang inyong kaligtasan. Maraming Salamat po!” dagdag ni Maraggun.
ELMA MORALES