RIZAL – OPISYAL nang idineklara kahapon ng Dangerous Drugs Board (DDB) na drug-free workplace ang lalawigang ito sa pamumuno ni Rizal Provincial Director Col. Felipe B Maraggun.
Ang seremonya ng deklarasyon ay pinangunahan ni Undersecretary Earl P Saavedra, CESO I, Executive Director V ng Dangerous Drugs Board bilang Guest of Honor at Speaker kasama ang mga miyembro ng Command Group, Regional Staff, Provincial Directors ng PRO 4A at mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Layon nitong matiyak na walang miyembro ng Rizal PNP ang sangkot sa anumang aktibidad na nauugnay sa ilegal na droga.
Saklaw nito ang mga sumusunod, ang programa ng kamalayan at pag-iwas sa ilegal na droga at drug testing sa lahat ng Rizal PNP personnel na nagsasaad ng negatibong resulta.
Isa sa mga highlight ng seremonya ay ang unveiling of marker bilang simbolo ng drugfree workplace status at paggawad ng mga sertipiko sa mga barangay representative na nagkaroon ng malaking ambag sa pagsugpo ng iligal na droga.
ELMA MORALES