RMN-APCORE SURVEY: 55% PARA KAY MARCOS; ROBREDO, 13%; DOMAGOSO, 13%; PACQUIAO, 4%; LACSON, 3%

TULOY-tuloy sa pag-alagwa ang kandidatura ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., laban sa mga katunggali nang muli na namang manguna sa nakalipas na face-to-face survey na inilunsad ng Radio Mindanao Network (RMN)-APCORE.

Isinagawa ang survey noong Nobyembre 23-29, taong kasalukuyan.

Mula sa 2,400 res­pondents, mahigit sa kalahati nito ang bumoto kay Marcos na nakakuha ng 55 percent. Malayong nakasunod sa kanya sina Leni Robredo at Isko Moreno na kapwa may 13 percent votes.

Si Bong Go na pormal nang umatras sa kandidatura nitong nakalipas na linggo ay may eight percent votes; si Manny Pacquiao ay may four percent at ang panlimang si Ping Lacson ay may three percent.

Pampito at pang-walo naman ang iba pang presidential bets na sina Ernesto Abella, Leody de Guzman na parehong may 0.17 percent at may 0.08 percent naman si Norberto Gonzales na nasa ikasiyam na puwesto.

Walang nakuhang boto si Antonio Parlade, habang ang ‘undecided’ ay may four percent.

Kung ikukumpara sa mga nakalipas na resulta na isinagawa ng mga prestihiyosong survey firms na SWS, Publicus, Kalye Survey at ang face to face survey ng DZRH Desisyon 2022, pinatunayan ng nagdaang RMN survey ang pananatili sa itaas bilang Top Contender ang kandidatura ni Marcos.

Bagaman pumapabor ang  lahat ng naglalabasang resulta, sinabi ni Marcos na ang BBM-Sara UniTeam ay hindi magpapakampante at sa halip ay patuloy nilang isusulong ang ‘unifying leadership’ na siyang magiging susi aniya upang maibangon ang bansa mula sa pagkakalugmok likha ng pandemya.