BAGONG gawang sports venues. Bagong pangalan, alay sa kadakilaan ng atletang Pinoy.
Sa bisa ng Board resolution, ipinahayag kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagbabago sa mga pangalan ng ilang sports venues sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Center (RSMC) sa Vito Cruz, Manila.
At isinunod nila ito sa mga pangalan — maliban kay Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz — ng mga bayaning atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa kanilang kapanahunan na naging daan sa pagkakaluklok nila sa PSC Hall of Fame.
Ang PSC weightlifting gym ay makikilala na bilang Hidilyn Diaz Weighlifting Gym bilang pagkilala sa 27-anyos at four-time Olmypian matapos lumikha ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pinoy na nagwagi ng gintong medalya sa quadrennial Games. Ang tagumpay ni Diaz ay tunay na hindi malilimutan bilang isang Olympic record sa weight-lifting.
Inaprubahan din ng PSC Board ang pagbabago ng pangalan mula sa Rizal Memorial Tennis Court bilang Felicisimo Ampon Tennis Court, ang RMSC Swimming Pool ay tatawagin nang Teofilo Yldefonso Swimming Pool, habang ang Rizal Memorial Track Stadium ay binansagang Simeon Toribio Track Stadium.
Ayon sa PSC Public Communication Office, sa bisa rin ng Board resolution na aprubado sa nakalipas na taon, ibinalik sa orihinal na pangalan na PSC Multi-Purpose Gym ang Ninoy Aquino Sports Stadium na kasalukuyang ginagamit bilang isa sa quarantine facilities ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19.
“These athletes have given the honor to the country with their work in sports, we hope to keep their legacies alive for this and next generations. We want to pique the interest of the people who will read about or visit the facility. Who is Teofilo Yldefonso? What did Felicisimo Ampon do that this venue is named to him?” pahayag ni PSC Chairman William Ramirez.
Aniya, ipapangalan nila ang iba pang venues sa mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa sa mga susunod na araw, habang kumpleto na rin ang blueprint ng itatayong Philippine Sports Museum sa RMSC katabi ng Philippine Sports Medicine Center. Ang naturang museo ay bahagi ng ‘Builld Buiild Build’ program ng pamahalaan.
Isinailalim na sa pagsasaayos ang naturang venues na ginamit din sa hosting ng SEA Games nitong 2019 kung saan nabawi ng Team Philippines ang overall championship. EDWIN ROLLON
384363 618984Normally I dont learn post on blogs, even so I wish to say that this write-up extremely pressured me to try and do it! Your writing taste has been surprised me. Thank you, quite great post. 53232
176089 683351Hello there, just became alert to your blog by means of Google, and found that its truly informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate if you continue this in future. Plenty of folks will be benefited from your writing. Cheers! xrumer 581163