ROACH, PACMAN TOGETHER AGAIN

pacman

MULING magkakasama sina Sen. Manny Pacquiao at Hall of Fame trainer Freddie Roach sa susunod na laban ng Filipino ring icon sa Enero 19, 2019.

Sinabi ni Roach na payag na siyang makuhang muli ni Pacquiao ang kanyang serbisyo sa nakatakda nitong duelo kay Adrien Broner.

Ginawa ni Roach ang pahayag matapos ang one-on-one meeting nila ni Pacquiao sa Los Angeles.

“Manny reached out directly,” ani Roach. “We sat together one-on-one. I’ll be in his corner Jan 19.”

Nauna rito ay inihayag ni Pacquiao na balak niyang kunin ulit ang serbisyo ng dati niyang head coach para sa Broner showdown.

Anang eight-division world champion, nais niyang maging ‘supervisor’ si Roach, habang ang kababata niyang si Buboy Fernandez ang mismong hahawak sa training.

Sina Pacquiao at Roach ay huling nagkausap matapos ang kontrobersiyal na pagkatalo ni Pacquiao kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia.

2 thoughts on “ROACH, PACMAN TOGETHER AGAIN”

Comments are closed.