ROAD ACCIDENTS BUMABA

aksidente

CAMP CRAME – BUMABA ang insidente ng road crash o aksidente sa daan sa bansa ngayong taon.

Batay sa datos ng PNP-Highway Patrol Group, taong 2016 naitala ang 32, 269 na road crash incidents sa bansa, taong 2017 ay nasa 27,481, at taong 2018 ay mayroong 11,179 road crash incident.

Pero simula buwan ng Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan ay umaabot na lamang sa 9,663 ang road crash incident sa bansa.

Ayon kay PNP HPG Director Brig. Gen. Dionardo Carlos, ang dahilan ng pagbaba ng  road crash ay dahil mas nagiging educated at dispilinado ang mga motorista sa pagmamaneho.

Nagsasagawa rin aniya ang PNP HPG ng training para sa mga driver ng mga bus at iba pang pampasaherong sasakyan.

Pahayag pa ni Carlos na kalimitang nagiging sanhi ng aksidente sa daan ay human factor katulad ng maling overtaking, maling turning, speeding, self incident, nagmamaneho ng lasing, paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, hit and run at overloading. REA SARMIENTO

Comments are closed.