NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11239 o ang batas na bubuwag sa Road Board.
Kasunod nito ay pinalilipat sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kwalipikadong empleyado ng Road Board na maaapektu-han sa pagbuwag.
Makatatanggap naman ng separation pay ang mga empleyado ng Road Board na hindi qualified na malipat sa DPWH habang ang mga magreretiro na ay makatatanggap ng kaukulang benepisyo.
Sa ilalim ng nasabing batas, lahat ng pera na nakolekta ng Road Board sa mga motorista sa pamamagitan ng Road User’s Tax ay ibibigay sa Na-tional Treasury sa ilalim ng special account ng general fund.
Inaatasan naman ang Department of Budget and Management, Department of Public Works and Highways at ang Department of Transportation na ipatupad ang mga polisiya ng bagong batas.
Umabot sa mahigit P166 bilyon ang nakolekta ng Road Board sa Road User’s Tax mula 2001 hanggang 2018, ayon sa Commission on Audit (COA).
Comments are closed.