ROAD CLOSURE SA DELIVERY NG BALLOT BOX

road close

MAYNILA – NAGPATUPAD ng pansamantalang road closure at re-routing ng mga sasakyan ang Manila Police District- Traffic Enforcement Unit, sa oras ng pag­hahatid ng mga ballot boxes sa San Andres Sports Complex.

Mula alas-6 ng hapon, Mayo 13, ay isinara na ang kahabaan ng San Andres St. mula Adriatico St. hanggang LM Guererro St., Malate.

Sarado rin ang kahabanaan ng Leveriza St., mula Quirino Ave­nue hanggang San Andres  St., Sta. Mesa, Manila.

Maaari namang dumaan o kumanan sa Adriatico  St. ang lahat ng behikulo na magmumula sa Roxas Blvd. na babaybay ng San Andres St. hanggang makarating sa kanilang destinasyon.

Lahat naman ng sasakyan na mula sa Taft Ave/Quirino Avenue na babaybay sa San Andres St. ay dapat kumanan sa LM Guererro St. hanggang sa kanilang destinasyon.

Kailangan namang kumaliwa o kumanan sa Quirino Avenue hanggang marating ang kanilang destinasyon ang lahat ng mga sasakyang dadaan ng Leveria St. patungong San Andres St.

Ayon sa MPD-TEU, bahagyang bumigat ang daloy ng trapiko kaya pinayuhan ang publiko na gumamit ng alterna­tibong ruta upang hindi maabala. PAUL ROLDAN

Comments are closed.