NAKATAKDANG magpatupad ng mga road closure at rerouting scheme ang Manila Police District para bigyang daan para sa Kapistahan ng Sto.Niño de Tondo ngayong araw.
Ayon kay MPD-PIO chief Major Philip Ines, simula ala-12:01 ng madaling araw ng Sabado ay isinara na ang mga sumusunod na kalsada;
– N. Zamora street mula Moriones street hangang Chacon street
– Sta. Maria street mula Moriones street hanggang Morga street
-J. Nolasco street mula Morga street hanggang N. Zamora street
-Morga street mula J. Nolasco street hanggang Juan Luna street
-Ortega street mula Asuncion street hanggang Soliman street
-Lakandula street mula Asuncion street hanggang Ilaya street
-Ilaya street mula Lakandula street hanggang CM. Recto Avenue
-Chacon street mula N. Zamora street hanggang Juan Luna street
-Soliman street mula Morga street hanggang N. Zamora/Ortega street
Ang mga motorista na patungong Tondo Churchula J.Nolasco street ay pinapayuhan na kumanan sa Morga Street, diretso sa Tiazon street at tuloy ng Wagas street o kaliwa sa Asuncion street patungong C.M. Recto hanggang sa kanilang destinasyon.
Ang lahat ng sasakyang manggagaling sa Pritil gamit ang N. Zamora street ay dapat kumaliwa sa Moriones street papunta sa Juan Luna street patungo sa destinasyon.
Ang mga sasakyan mula sa C.M. Ang kalye ng Recto/Asuncion ay dapat kumaliwa sa kalye ng Lakan Dula papunta sa destinasyon.
Nagdedeploy naman ng humigit-kumulang 800 pulis ang MPD sa buong kapisatahan ng Tondo upang mapanatiling maayos at payapa ang nasabing pagdiriwang ng Viva Sto.Niño. PAUL ROLDAN