ROAD DIET SA IKALULUWAG NG TRAFFIC SA EDSA

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Bago ang lahat, huli man daw at madaling naihahabol din “MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR TO YOU ALL MGA KAPA­SADA”.

Mga kapasada, lubhang ikinabahala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagbubuhol ng traffic sa Metropolis partikular nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Bunga nito, ang mga think tank ng MMDA ay nakabuo ng isang panukalang magpapaluwag sa EDSA na tinaguriang “ROAD DIET”.

Sa mga pasaway na kapasada, pinagtawanan nila ang panukalang ito sa paniniwala na ito ay uri ng pagkain na kanilang matatamo sa kanilang pamamasada.

Sa totoo, maituturing na iyon na rin ang buod ng layu­nin ng MMDA sapagkat ipinaliwanag ng naturang ahensiya ng pamahalaan na ito ay makapagdaragdag sa take home pay ng mga nasa industriya ng sasakyan na makapagbibigay ng ibayong kaunlaran para sa hapag kainan ng buhong mag-anak na nabibilang sa isang kahig isang tukang pamumuhay.

ROAD DIET-1Lumitaw sa pag-aaral na may nakaakmang sukat sa mga lane depende sa speed limit ng isang kalsada.

Ipinakita rin sa kanilang pag-aaral na naging mas ligtas ang mga lungsod na sumunod sa tamang sukat ng lane.

Ayon sa mga think tank, sa halip na sa kasalukuyang 3.4 metro ang luwang (lawak), nasa 2.8 metro dapat ang lawak ng kada lane sa EDSA, na may speed limit na 60 kilometro kada oras (kilometers per hour o kph).

Naniniwala ang MMDA na kahit paano ay may mailuluwag ang EDSA kung maisasakatuparan ang panukalang “Road Diet”.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, “mayroon pa tayong space na puwedeng magamit kung susundin natin ‘yung international standard based na rin sa pag-aaral ng World Resources Institute.”

Idinagdag pa nito na iyong mga motorsiklo, kaya naman sila nahihirapan sumingit dahil hindi sumusunod ang karamihan sa motorcycle lane.

Ang naturang panukala ay isinumite ng MMDA sa Department of Public Works and Highways para pagpasiyahan.

Kapag ang naturang panukala ay pinagtibay ng DOTCr, sila na rin ang bahalang mag­lagay ng mga bagong linya sa kalsada at pagtukoy kung papaano ipatutupad itong “road diet” na ito.

PANUKALANG ROAD DIET UMANI NG BATIKOS

MOTORSIKLO-3Sa kabila ng paniniwala ng MMDA na makapagdudulot ng kabutihan  sa ikalulutas ng buhol ng trapik sa EDSA sa pagpapatupad ng Road Diet ay binatikos naman ng ilang grupo ang panukalang ito.

Naniniwala naman ang MMDA na ang pagdaragdag ng isa pang lane ang nakikitang solusyon para mas maraming motorist ang makadaraan sa EDSA at kahit papaano ay maibsan ang matinding trapiko sa naturang thoroughfare.

Samantala, inihayag naman ng Motorcycle Dealers Association of the Philippines na hindi Road Diet ang kaila­ngan sa EDSA, lalo at halos wala naman daw sumusunod sa mga linya sa EDSA.

“As it is right now, halos hindi naman nga magkasya ang mga motorist natin sa EDSA. Drawing of lines lang iyan sa EDSA sabi naman ni Edwin Go ng Motorcycle Dealers Association of the Philippines (MDAP).

Ang panukalang Road Diet ay ibinase nila sa pag-aaral ng World Resources Institute of Japan.

PAG-OKAY SA ROAD DIET, IPINAUBAYA NG MMDA SA DPWH

Matapos tumanggap ng kabi-kailang pagbatikos ang MMDA mula sa iba’t ibang sector ng industriya ng transportasyon hinggil sa panukala nitong “Road Diet” sa kahabaan ng EDSA o ang pagpapakipot sa road lane nito para makapagdag­dag pa ng isang lane para mas mara­ming motorist ang makadaan sa naturang tho­roughfare, minabuti na lamang ng MMDA na ipaubaya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung ang naturang proyekto ay ipagpapatuloy o ibabasura na lamang.

Ayon kay MMDA Chief Traffic Inspector Bong Nebrija, ito ang nakikita nilang solusyon upang kahit papaano ay mababawasan ang buhol ng trapik sa EDSA.    Nilinaw ni Nebrija na ang panukala ay ibinase lamang nila sa pag-aaral na isinagawa ng World Resources Institute sa Tokyo, Japan, na nagpahiwatig na ang mga kalsadang may speed limit na 60 kilometro kada oras kahalintulad  ng EDSA ay dapat may lawak na 2.8 metro kung saan sa ngayon ay nasa 3.4 metro ang lawak ng mga lane.

Idinagdag ni Nebrija na sakaling pagtibayin ang mula  lima, magiging anim na ang bilang ng lane sa kada direksiyon sa EDSA, na maaaring daanan ng 6,000 additional na sasakyan.

Inihayag pa ni Nebrija na kapag ito ay inaprubahan ng DPWH, sila na rin ang magsasagawa ng paglalagay ng mga bagong linya (line) sa kalsada.

Samantala, sa ngayon, nanawagan si Nebrija sa mga motorista na ang ta­nging solusyon samantalang hindi pa napagtitibay ang panukalang Road Diet  upang lumuwag at maging maayos at kaaya-aya ang daloy ng mga sasakyan hindi lamang sa EDSA kundi sa lahat ng thoroughfares sa Metropolis.

PANAWAGAN NG COMMUTERS GROUP PAHINTULUTAN ANG ANGKAS

ANGKASNanawagan naman ang commuters’ group sa Department of Transportation (DOTr) na pahintulutan ang ANGKAS na muling maipagpatuloy ang operation nito.

Ang ganitong panawagan ay ginawa ng Commuters Group sa kabila ng panawagan ng mananaka­yang mamamayan para sa kanilang kapakanan.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, Jr., founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na mayroong nakabinbing panukalang batas sa Kamara to legalize Moytorcycle for Hire tulad ng ANGKAS.

Ayon kay Inton, nagpalabas kamakailan ang Kataas-Taasang Hukuman (SC) ng temporary restraining order (TRO) against the decision of lower court sa Mandaluyong City, na nagbabawal na hulihin ng mga traffic enforcer ang motorcycles na may kaangkas.

Binigyang diin ni Inton na mabagal ang process na ‘yan para sa legalization pero may ibang paraan to speedy processed considering the mode of traffic congregation.

LAGING TATAN­DAAN: UMIWAS sa aksidente, upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.