ROAD MISHAP: DRUG SUSPECT NANG-AGAW NG MANIBELA UTAS

DRUG SUSPECT

CAVITE – Bumulagta ang sinasabing drug dealer na dadalhin sana sa Calamba City, Laguna habang apat naman ang na­sugatan makaraang agawin ng drug suspek ang manibela na minamaneho ng isang tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng Carmona, Cavite kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Gerry del Rosario dahil sa natamong matinding sugat sa katawan habang naisugod naman sa Perpetual Hospital sa Biñan City, Laguna  ang mga nasugatan na sina PDEA agents Deo Tabor, driver ng kotse; Rodrigo Ramirez, Rey “cool” Ricohermoso at ang isa pang kasamahang drug suspect na si Catherine del Rosario.

Base sa police report, dakong alas – 10:25 ng umaga habang ini-eskortan ng PDEA agents ang mga drug suspect na sina del Rosario  sa kahabaan ng SLEX South Bound sakay ng abuhing Toyota Camry na may plakang XGM-641 nang biglang agawin ni Gerry ang manibela sa driver na si PDEA agent Tabor na nakatalaga sa Antipolo Provincial Office.

Dito na nagpagewang-gewang ang takbo ng kotse sa kanang bahagi at bumangga sa kong­kretong barandilya ng SLEX kung saan ay bumaliktad pa ito na ikinasugat ng mga sakay nito.

Malubhang nasugatan si Gerry kung saan namatay makaraang rumesponde ang SLEX Emergency Reaction Team (ERT) habang ang tatlong PDEA agents at si Catherine ay isinugod naman sa nabanggit na bahay-pagamutan habang patuloy na isinasagawa ang imbestigas­yon. MHAR BASCO

Comments are closed.