ROAD MISHAP, PULIS AT TIYAHIN NAPURUHAN

Patay

DEAD on the spot  ang dalawa katao kabilang ang isang pulis sa naganap na vehicular accident na kinasasangkutan ng isang kotse at isang ten wheeler truck sa probinsya ng Cotabato, base sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report , kabilang sa nasawi sina P/Master Sergeant Bayanga Bakal na nakatalaga sa Maguindanao Police Provincial Mobile Force Company at tiyahin nitong retiradong guro na si Salima Bakal Tuladteg Alhadja, kapwa  residente ng Datu Piang, Maguindanao.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Libungan PNP sakay ang mga nasawi ng  isang kotse mula sa Cotabato City at pauwi n asana sa bayan ng Datu Piang.

Subalit  pagsapit nila sa isang tulay sa national highway sakop ng Barangay Baguer,  bayan ng Libungan  ay aksidenteng nakasalpukan nila ang  kasalubong na ten-wheeler truck ng Lamsan Company.

Total wrecked ang kotse kaya nahirapan bago tuluyang nailabas ang mga biktima na naipit sa loob ng sasakyan.

Nagtamo ng matinding sugat at bali sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang dagliang ka-matayan.

Ilan sa mga residente ang nagsabi na matulin umano ang takbo ng kotse hanggang sa bumangga sa kasalubong na trak.

Nagpapatuloy pa rin  ang imbestigasyon ng traffic unit ng Libungan Cotabato PNP sa madugong aksidente. VERLIN RUIZ