ROAD REBLOCKING NG MMDA AT DPWH NGAYONG WEEKEND

DPWH-MMDA

MAKATI – MULING nag-abiso ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa nakatakdang pagsasagawa ng road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Kasabay nito, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasang bumagtas sa mga apektadong kalye ng naturang road re-blocking ng DPWH na si­nimulan ng alas-11:00 kagabi (Marso 1) ang pagsasara ng mga area ng South bound C-5 Road pagkatapos ng Lanuza Avenue bago mag  Bagong Ilog flyover, C-5 Road harapan ng  SM Aura, at ng EDSA Lagarian Creek-Ermin Garcia (panglawang lane mula sa bangketa).

Kabilang sa road reblocking ang Northbound ng R. Magsaysay Boulevard papuntang Cubao at R. Magsaysay Bridge-Pureza Street.

Muling bubuksan sa motorista ang naturang mga kalsada ng alas-5:00 ng umaga sa darating na Lunes (Marso 4).   MARIVIC FERNANDEZ