ITINUTULAK ng transport network na Partnership for Enhanced Road Safety (PERS) na mapalaganap at maisapuso ng bawat motorista ang ligtas na paglalakbay sa buong bansa.
Ito ang nais iparating ni dating LTO Regional Director at ngayo’y PERS executive director Atty. Alex Abaton bunsod ng dumaraming aksidente at pasaway sa mga kalsada.
Isinusulong ng grupo ang tuluyang paglagay sa mga curriculum mula elementarya at high school ang aralin sa road safety at traffic rules upang maaga pa lamang ay malaman na ng kabataan ang kahalagahan ng pagsunod sa traffic regulations para maiwasan ang mga disgrasya sa mga daanan.
Bukod pa rito, pinalalaganap din ng grupo ang kaalaman sa road worthy ng mga sasakyan bumibiyahe pribado man o pampublikong sasakyan at pagpapalkas ng community relations.
Sinabi pa ng transport advocate na kinakailangan ang legislative actions at pagiging aktibo ng bawat isa pagdating sa road safety.
Kinatigan din ito ni Col. Bong Nebrija, chief ng Task Force Special Operations Unit at Anti-Colorum Unit ng MMDA na sumusuporta sa PERS.
Ani Nebrija, panahon na upang mabigyang pansin at matugunan ang mga problema at usapin sa transportasyon na nakaaapekto sa bawat motorista at mananakay.
Tinitignan din ng grupo ang mga usapin at pagsasabatas pang trapiko na nakaapekto sa mga persons with disabilities (PWDs) upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa mga kalsada. BENEDICT ABAYGAR, JR.