ROAD SAFETY ITUTURO SA ESKUWELAHAN—LTO

ROAD SAFETY-2

PORMAL nang isasama sa basic education curriculum ang leksiyon hinggil sa “road safety” sa mga paaralan.

Sa idinaos na Launching of the Integration of Road Safety in the Basic Education Curriculum sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO), sinabi ni Assistant Secretary Edgar Galvante na layon nitong mabawasan ang bilang ng namamatay, sanhi ng aksidente sa mga lansangan, at mahubog ang mga kabataan na maging responsible road users at drivers sa kanilang paglaki.

Lumabas sa talaan ng World Health Organization (WHO), umaabot sa 1.35 milyon ang road traffic deaths taon-taon, habang nasa dalawampu hang-gang limampung milyon naman ang nagtatamo ng injury.

Napag-alaman na ang road crash ay 8th leading cause ng kamatayan sa buong mundo. Sa Fili­pinas, 12,000 kada taon naman o katumbas ng tatlumpu’t tatlo araw-araw ang namamatay dahil sa road crashes. Pangu­nahing biktima ang pedestrians, nagmomotorsiklo at nagbibisikleta.

Bunsod nito, pinangunahan ng LTO offices sa buong bansa ang pagsisikap na maituro sa basic education ang ukol sa road safety at kahapon (Hulyo 9) ay nilagdaan ang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng LTO, Schools Division Office ng Department of Education (DepEd), at Que-zon City government.

Kasabay nito’y ang paglulunsad ng nabuong Road Safety Learners Materials na ipinasa sa DepEd-NCR.

Ang integrasyon ng road safety concept ay sa mga asignaturang Science, Filipino, English at MAPEH.

Pangunahing ma­kikinabang dito ang mga mag-aaral na kinder hanggang grade 12, sa National Capital Region, maging ang mga guro na sasailalim sa Trainer’s Training.    BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.