IPINASYA ng Department of Health (DOH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na magdaos ng Road Safety Management for Local Government Units (LGUs) matapos na mapaulat na ang kanilang rehiyon ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga transport vehicle crashes (T/VC) at road injury sa bansa sa huling bahagi lamang ng taong 2018.
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, ang naturang ikalawang road safety management, na idinaraos nila ngayon sa Pasay City, ay sinimulan nitong Setyembre 4 at magtatagal hanggang Setyembre 7.
Dinadaluhan ito ng mga opisyal at tauhan ng LGUs, disaster risk management offices, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Public Works and Highways (DPWH), HEMS, violence at injury prevention program managers ng rehiyon.
“We are advocating for a localized approached in the implementation of road safety programs to prevent and lessen the incidence of road crashes, road injuries, accidents and even deaths since most of these occur in city, municipal and provincial roads,” ani Janairo.
“Road safety is a shared responsibility. Lahat tayo ay may responsibilidad sa tamang paggamit ng daan upang maging ligtas sa paglalakbay kasama na ang mga ibang taong gumagamit nito. Kailangang maging responsible sa paggamit ng sasakyan at pagmamaneho upang maiwasan ang pagkakaroon ng aksidente,” aniya pa.
Binigyang-diin ni Janairo na ang pagbuo at implementasyon ng istriktong local action plan sa pakikipag-ugnayan at suporta sa lahat ng local stakeholders ay malaki ang maitutulong upang mabawasan ang mga road fatalities.
“If road users obey the rules of the road, injuries and accidents can be prevented,” aniya.
Batay sa ulat ng DOH-Online National Electronic Injury Surveillance System (ONEISS), umaabot sa 2,386 kaso o 16.5% ang naitalang aksidente sa Calabarzon simula Oktubre 1, 2018 hanggang Disyembre 31, 2018, habang nakapagtala naman ang Central Visayas (Region VII) na may 2,125 (14.7%) at National Capital Region (NCR) na may 1,556 (10.8%).
Ayon sa ONEISS, mayroong kabuuang 43,439 injury cases ang naiulat sa bansa sa ikaapat na bahagi ng taong 2018.
Ang mga naturang kaso ay mula umano sa 339 (19.1%) ng 1,772 na reporting hospitals at infirmaries sa bansa.
“There were 14,440 reported injuries due to transport/vehicular crash. The age of T/VC injury cases ranges from less than 1 to 102 years old with median age at 26 years old. There were more males 9,826 (68.0%), than females 4,614 (32.0%) who were involved in T/VC,” anang ONEISS.
Nananatiling ang motorcycle vehicles ang may pinakamataas na bilang ng T/VC related injuries sa bilang na 8,994 at pedestrian na may 1,456 cases.
Mayroon namang 14,437 (99.98%) cases ng land injury due to T/V at tatlong kaso (0.02%) ay dahil sa water-related transport injuries.
“From these figure, 8,313 (57.6%) of injuries related to T/VC were non-collision while 6,127 (42.4%) were due to collision. It is noted that T/VC injuries occur mostly in October (37.2%); November with 35.5% and December with 27.3% reported T/VC occurrences,” anang ulat.
“In terms of time of occurrence, 9,568 (66.3%) of reported T/VC injuries occurred between 8AM to 7:59PM. A total of 3,534 (24.5%) T/VC injury occurred between 4:00PM to 7:59PM. Alcohol was the most reported risk factor for T/VC injury cases at 5.3%. There were 13,600 (94.2%) injury cases reported to have no risk factors,” dagdag pa nito.
Paalala naman ni Janairo, “Lahat tayo ay puwedeng maaksidente. Hindi natin kailangang magmaneho ng matulin upang makarating sa pupuntahan. Maging responsible at sumunod sa batas trapiko.” ANA ROSARIO HERNANDEZ