NUEVA VIZCAYA-AARANGKADA ang road safety Summit sa lalawigan sa Hulyo kasabay ng pagpasok ng mga mag-aaral, ng dadalu-han ng hanay na mga motorista upang masolusyunan ang problema sa trapiko at mga aksidente sa lansangan.
Layunin nito na matalakay ang mga suliranin sa trapiko ng mga motoristang bumibiyahe sa kahabaan ng Daang Maharlika patungo sa Metro Manila at pabalik patungong Aparri, Cagayan
Ayon kay Sr. Supt. Jeremias Aglugob, Prov’l. Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) na layunin nilang isaayos na mabuti ang apat na linya ng daan, na hindi kailangan na gawing paradahan ng mga negosyante ang gilid ng daan, upang maiwasan ang trapik sa mga lansangan.
Mula sa bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya, Solano, Bayombong, Bambang, Dufax, Aritao, at Sta Fe, ay karaniwang ginagawang parkingan ng mga motorista ang gilid ng daan kung kayat bigo ang nasabing layunin na maisaayos ang problema sa trapiko.
Isa sa tatalakayin sa road safety summit ay ang bayan ng Diadi at Sta Fe, na palaging basa ang daan dahil sa kahit na anong panahon ay patuloy ang masaganang tubig na dumadaloy mula sa itaas ng bundok.
Ang mga residente roon ay naglalagay ng mga plastic pipe o tubo sa gilid ng pambansang daan na madalas na pinaparadahan ng mga naglalakihang ten wheeler truck, upang hugasan ang kanilang mga minamanehong truck na sanhi kung bakit palaging basa ang daan at nagiging dahilan pa ng aksi-dente.
Dagdag pa ni Aglugob, dapat na may long-term solution ang mga suliranin sa trapiko sa national highway sa Nueva Vizcaya, kaya nananawagan siya na dumalo ang mga motorista sa kanilang isasagawang summit. IRENE GONZALES
Comments are closed.