ROAD USER’S TAX BILL TUTUTUKAN

TINUTULAN ng Makabayan Bloc ang Road User’s Tax bill na magiging dagdag na pahirap sa mga maliliit na tsuper at operator at sa publiko na negatibong maapektuhan ng reporma sa buwis na ito.

Kabilang si Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas na bumoto ng “No” sa House Bill 9647, o ang panukalang batas na “Motor Vehicle Road User’s Tax” (MVRUT), na ipinasa sa mababang kapulungan sa 3rd and Final Reading bago magpasko. “I voted No.Because it is premised on funding the anti-poor and financially unsustainable PUV modernization program,” sabi ni Brosas.

Bagamat naiintindihan niya ang pangangailangan na magbawas ng mga sasakyan sa lansangan sa pamamagitan ng pagtataas ng buwis na ito, ipinaliwanag ni Brosas na sa mas mataas na Road User’s Tax, tiyak na mas malaki ang tama nito sa mas maliliit na may ari ng sasakyan maging pribado man dahil karamihan sa mga ito ay ipinangutang lang ang pambili.

“While there is a need to decongest roads, dicentivizing car ownership in the country by legislating higher car taxes which will be adjusted on annual basis is not the way to go.Instead fixing the current mass transport system in the country will reduce dependence on imported vehicles.Sa mas mataas na Road Motor Vehicle User’s Tax, tiyak na malaki ang tamas a maliliit na vehicle owners na pinangutang lang naman ang ibinili ng mga sasakyan,”sabi niya.

Bagamat’t may 50 percent discount sa utility vehicles, patuloy na paliwanag ni Brosas, papasanin pa rin aniya ng mga ordinaryong Pilipino lalo na ang mga sumasakay sa pampublikong transportasyon ang dagdag buwis na ipapataw na ito.

“The biggest contention stems from the allocation of 45 percent of the collections under MVRUT for the government’s modernization program which is designed to phase out jeepneys and concentrate individual franchises into the hands of a wealthy few. Ibig sabihin halos kalahati ng malilikom ng Road User’s Tax ay gagamitin para pondohan ang pagbili ng mga imported na mamahaling e-bus na target na ipanghalili sa mga jeep na nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyon ang isang unit.

“Duda kami na nasa dalawang milyon din ang subsidy kada unit. Mas mataas pa malamang,” sabi ni Brosas.

Nagpahayag naman ng pagtutol si Kabataan Partylist Representative Raul Manuel sa nabanggit na panukalang batas, dahil ang napaka “poor state” aniya na mass public transport system ng bansa ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit napo-proliferate ang private cars sa mga lansangan.

“Marami tayong nakikitang mga pribadong sasakyan kaysa mga public utility vehicles. Ngayon kung gusto natin solusyunan ang problema. Hindi yun sa pamamagitan ng pagtataas ng Road User’s Tax o yung proposed reform sa tax system regarding our vehicles dahil ang naging panukala e tingin natin hindi naman ito ang magpapababa ng bilang ng mga sasakyan.In fact, mananatiling marami ang pribadong sasakyan at ang mangyayari ita-tax din naman natin sila (pati (PUVs) using this proposed bill.It’s like you are making the most out of the problem, instead of genuinely solving the problem.Ang isang concern ay a significant portion ay mapupunta sa PUV modernization program.Ang tulong na binibigay kumbaga sa ating mga tsuper at operator ay sa porma pa nga ng pautang na lalong maglulugmok sa kanila sa kahirapan.Sila na ang napilitan na mag-consolidate dahil sa pangambang hindi na sila makabiyahe by New Year,” sabi ni Manuel.

“Kung papakinggan din natin ang ating mga jeepney driver at operator ang hinahanap po nila ay hindi extension ng deadline for franchise consolidation, hindi rin ang pag-aayos lamang ng system ng pautang na galing po sa pamahalaan. Ang nais po nila ay rehabilitation ng mga public utility vehicles natin.At ang pondo dyan ay hindi kailangang manggaling mula sa ganitong panukalang batas, pwede manggaling ito sa existing government,”sabi ni Manuel.

Layunin ng naturang panukalang batas sa MVRUT na ang mga malilikom na halaga mula rito ay gagamitin para pondohan ang mga pampublikong sasakyan o public utility vehicles(PUV) sa kasalukuyang ipinatutupad na modernization and road safety program ng pamahalaan.

Sa plenaryo ng Disyembre 12, 247 ang bumoto ng “yes”, apat ang “no” votes, at isa ang abstention.

Itinatakda ng panukalang batas ang sumusunod na minimum MVRUT rates: para sa mga pampasaherong sasakyan ang rate of P2,080 para sa gross vehicle weight na 1,600 kilograms paibaba sa taong 2024, P2,560 sa 2025, P3,040 sa 2026, at may annual o taunang pagtaas 5% mula 2027 hanggang sa mga susunod na taon.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia