ROAD USERS TAX HIKE ISINUSULONG SA KAMARA

Albay Representative Joey Salceda

ITINUTULAK ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang pagtataas sa 15 taon nang motor vehicle users’ charge (MVUC) o road users tax.

Sa House Bill 4695 na inihain ni Salceda, unti-unting ipatutupad ang dagdag na road users tax sa loob ng tatlong taon.

Pagsapit naman ng taong 2023 ay papasok ang unitary rate na P1.40 per kilogram ng gross vehicle weight sa lahat ng uri ng sasakyan.

Itatakda na rin ang 5 porsiyentong pagtataas sa road users tax simula sa Enero 1, 2024.

Gagamitin ang malilikom na pondo sa Universal Health Care law at sa Public Utility Vehicle Modernization Program.

Tinataya ni Salceda na kikita ang gobyerno ng karagdagang P8.12 bilyon para sa taong 2020 hanggang sa ­umabot ng P32.61 bilyon sa taong 2024.

Samantala, malilibre naman sa road users tax ang mga motorsiklo na walang side car at may engine displacement na 400cc pababa.  CONDE BATAC

Comments are closed.