ROAD WARRIORS AYAW PAAWAT

Mga laro ngayon:

DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga

2 p.m. -Terrafirma vs Blackwater

4:35 p.m.- Meralco vs Ginebra

SUMANDAL ang NLEX sa mainit na second half upang pataubin ang Phoenix Super LPG, 94-76, sa PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Kumamada si Jericho Cruz ng game-highs na 19 points, 8 assists at 4 steals upang pangunahan ang Road Warriors sa ikatlong sunod na panalo na nagbigay sa kanila ng 4-2 kartada sa ika-4 na puwesto.

Nakatuwang ni Cruz sina Raul Soyud, JR Quinahan at Kevin Alas para sa NLEX na walang talo sa unang linggo ng semi-bubble set-up sa kabila ng pagkawala ni Kiefer Ravena, na kasalukuyang nasa Japan at inaasahang babalik sa semifinals.

Ayon kay coach Yeng Guiao, naging matindi ang depensa ng kanyang tropa kina Phoenix main men Matthew Wright at Vic Manuel.

“Our defensive intensity, it’ our desire to win, the challenge being posed to us also of playing without Kiefer,” ani Guiao. “We have to start defining ourselves without Kiefer from here on. Siguro nakaka-motivate din sa amin iyon.”

Tumapos lamang si Wright na may 10 points, kung saan matapos maisalpak ang kanyang unang apat na tira ay sumablay na sa sumunod na 14 na tira.

Kumana si Manuel ng 13 points upang pangunahan ang Fuel Masters, na bumagsak sa 2-5 marka, subalit dalawang puntos lamang ang kanyang naitala sa fourth quarter.

Tumirada si Jason Perkins ng double-double na 12 points at 12 rebounds at nag-ambag si Chris Banchero ng kaparehong puntos subalit sadyang hindi nila mapantayan ang mas balanseng opensa ng NLEX.

Gumawa si Soyud ng 17 points at kumalawit ng 7 rebounds habang nagdagdag si Quinahan ng 14 points, 12 rito ay sa second half.

Umiskor lamang si Alas ng 11 points subalit kumana siya ng isang  lay-up makaraang makalapit ang Phoenix sa 72-78 at ang kanyang back-to-back assists kina Quinahan at  Soyud ay nagbigay sa NLEX ng 86-74 bentahe. CLYDE MARIANO

Iskor:

NLEX (94) –  Cruz 19, Soyud 17, Quinahan 14, Alas 11, Trollano 9, Oftana 8, Miranda 5, Paniamogan 5, Porter 4, Ighalo 2, Ayonayon 0, McAloney 0, Semerad 0, Galanza 0.

Phoenix (76) – Manuel 13, Perkins 12, Banchero 12, Wright 10, Jazul 8, Melecio 5, Demusis 5, Chua 4, Garcia 3, Calisaan 2, Pascual 2, Faundo 0, Muyang 0, Napoles 0, Rios 0.

QS: 22-25, 45-45, 72-62, 94-76

105 thoughts on “ROAD WARRIORS AYAW PAAWAT”

  1. 880322 835842Which is some inspirational stuff. Never knew that opinions may well be this varied. Thank you for all of the enthusiasm to supply such useful details here. 144559

  2. 552601 5343491 can undertake all sorts of advised excursions with assorted limousine functions. Various offer wonderful courses and numerous can take clients for just about any ride your bike more than the investment banking region, or even for a vacation to new york. ??????? 628125

Comments are closed.