ROAD WARRIORS DISKARIL SA ELITE

NLEX-BLACKWATER

Mga laro ngayon:

AUF Gym

4 p.m. – Rain or Shine vs NorthPort

6:45 p.m- Ginebra vs Meralco

SUMANDAL ang Blackwater sa third-quarter explosion upang pataubin ang NLEX, 98-88, para sa kanilang ikalawang panalo sa PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga.

Nagbuhos si Don Trollano ng 18 points at kumalawit ng  11 rebounds upang pangunahan ang apat na players na may double figures para sa Elite na napantayan na ang dami ng panalo na kanilang naitala sa naunang conference sa pag-angat sa 2-1 kartada.

Tinapos ng Blackwater ang Governors’ Cup campaign nito noong nakaraang taon sa ilalim ng standings na may 2-9 record subalit ngayon ay kakaibang Elite ang namamalas sa ilalim ni head coach Nash Racela.

Nanatili namang walang panalo ang tropa ni coach Yeng Guiao sa tatlong laro.

Naitarak ng Blackwater ang 24-point lead kontra NLEX sa  second half bagaman tabla ang laro sa 46-46 sachalftime.

May average na 40 points sa third quarter sa kanilang unang dalawang laro, na-outscore ng Elite ang Road Warriors, 35-16, sa period upang simulan ang last quarter na may 81-62 bentahe.

Naipasok ni Trollano ang isang tres upang ibigay sa Blackwater ang pinakamalaking kalamangan nito sa laro sa 93-69, bago humabol ang NLEX sa huling anim na minuto.

Nagdagdag si KG Cañaleto ng 18 points, 7 rebounds, at  2 blocks para sa Elite, habang gumawa si Roi Sumang ng 13 points, 6 assists, at 5 rebounds, at nakalikom si  Ed Daquioag ng 10 points, 8 assists, at 5 rebounds.

Nanguna si Myke Ayonayon para sa NLEX na may 20 points.    CLYDE MARIANO

Iskor:

Blackwater (98) – Canaleta 18, Trollano 18, Sumang 13, Daquioag 10, Golla 8, Desiderio 7, Belo 7, Tolomia 6, Salem 5, Magat 3, Gabriel 2, Escoto 1, Dennison 0.

NLEX (88) – Ayonayon 20, Ravena 17, Alas 13, Soyud 13, Porter 9, McAloney 6, Galanza 5, Quinahan 5, Ighalo 0, Miranda 0, Paniamogan 0, Semerad 0.

QS : 17-15, 46-46,81-62, 98-88.

Comments are closed.