ROAD WARRIORS, DYIP MAGSASALPUKAN

Pba

Mga laro ngayon:

(Ynares Center-Antipolo)

4:30 p.m.- Columbia vs NLEX

7 p.m. – Blackwater vs Magnolia

PUNTIRYA ng NLEX Road Warriors ang ikalawang puwesto sa pakikipagtipan sa mapanganib na Columbian Dyip sa pagbabalik ng PBA Governors’ Cup ngayon sa Ynares Center sa Antipolo.

Hawak ang 4-1 kartada, haharapin ng Road Warriors ang CJ Perezled Car Makers sa alas-4:30 ng hapon, na susundan ng salpukan ng Magnolia Hotshots at Blackwater Elite sa alas-7 ng gabi.

May 1-3 rekord ang Elite, habang tangan ng Hotshots ang 3-1, kasalo ang Dyip at ang walang larong Meralco Bolts sa ikaapat na puwesto.

Mataas ang morale ng Road Warriors matapos ang 113-111 overtime win laban sa Barangay Ginebra sa Dubai noong Oct. 5.

Hindi maaaring magkumpiyansa ang tropa ni coach Yeng Guiao dahil may kakayahan ang Columbian na talunin ang kahit anong team sa liga.

Magiging exciting ang laro sa paghaharap nina Perez at Kiefer Ravena bilang ‘heart and soul’ ng kanilang koponan, gayundin sa match-up nina Olu Ashaolu at Khapri Alston.

Nakahandang umalalay kay Perez sina Filipino-American three-point specialist Rashawn McCarthy, Russell Escoto, Reden Celda, JP Calvo, Jeremy King, Eric Camson at Glenn Khobuntin.

Haharangin naman ang opensiba ng Columbian nina Philip Paniamogan, Kenneth Ighalo, Larry Fonacier, Raul Soyud at John Paul Erram. CLYDE MARIANO

Comments are closed.