Mga laro bukas:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m.- Meralco vs Blackwater
7 p.m. – TNT vs Alaska
INAPULA ng NLEX ang mainit na paghahabol ng Columbian sa fourth quarter upang iposte ang 117-111 panalo at kunin ang ikalawang puwesto sa 5-1 kartada sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo.
Naisalba nina Manny Harris at Kiefer Ravena ang NLEX sa muntik na pagkatalo at ipinalasap sa Dyip ang ikatlong kabiguan sa anim na asignatura.
Kumana si Harris ng three-point play at nakipag-alyansa kay Ravena sa 6-0 run upang kunin ang panalo at gantihan ang Columbian na tumalo sa kanila, 105-120, sa nakalipas na Commissioner’s Cup.
Nagbuhos si Harris ng game-high 45 points, 4 rebounds at 3 assists, at ipinakita ng American import na taga-Michigan na maaasahan siya ni coach Yeng Guiao na kinuha ang kanyang serbisyo kapalit ni Olu Ashaolu.
Dalawang beses tumabla ang Columbian, 104-104 at 106-106, subalit nagmatigas ang Road Warriors.
“Harris did a wonderful job. He was all over the court compiling points,” sabi ni Guiao.
Dinaig ni Harris si Khapri Alston sa una nilang paghaharap sa PBA kung saan na-outshoot niya ang Columbian import. CLYDE MARIANO
Iskor:
NLEX (117) – Harris 45, Quinahan 15, Ravena 11, Galanza 9, Soyud 7, Ighalo 6, Taulava 6, Cruz 6, Miranda 5, Paniamogan 5, Erram 2, Baguio 0, Lao 0.
Columbian (111) – Perez 21, Corpuz 20, Alston 19, Tiongson 18, Celda 12, Calvo 7, Agovida 6, Cahilig 3, McCarthy 3, Faundo 2, Cabrera 0, Flores 0.
QS: 28-20, 54-44, 87-77, 117-111.
Comments are closed.