Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
5 p.m. – Magnolia vs Converge
7:30 p.m. – Meralco vs Rain or Shine
BALIK sa porma si Robert Bolick at iginiit ni Mike Watkins ang kanyang presensiya sa loob sa buong laro nang pangunahan ang NLEX sa 107-95 panalo laban sa Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo.
Nalimitahan sa tatlong puntos lamang sa unang laro ng Road Warriors, si Bolick ay kumamada ng 23 points at 10 assists habang nagposte si Watkins ng sarili niyang double-double na 26 points at 25 rebounds.
Bunga nito ay nagawang malusutan ng NLEX ang 40-point performance ni George King, bumawi mula sa 87-114 loss sa NorthPort noong nakaraang Huwebes, at umangat sa 1-1 kartada.
“His inside presence gave Blackwater some trouble. He’s just a matchup problem for them like we had matchup problems also with King, he had 40 points,” wika ni winning coach Jong Uichico.
“Except that mas malaki positive effect ng inside game ni Watkins compared to King’s 40 points, in the total effect of the game,” dagdag ni Uichico, masaya sa kung paano prinotektahan ng kanyang tropa ang kalamangan hindi tulad sa laro sa Batang Pier kung saan nasayang nila ang maagang 16-point spread.
@Just don’t play like we played the other game. It’s as simple as that. It was embarrassing, the way we played,” ani Uichico, patungkol sa kanyang pre-game admonition sa kanyang koponan.
Masaya rin si Bolick at may natutunang leksiyon ang kanyang koponan mula sa NorthPort game, kung saan bumuslo lamang siya ng 1-of-11 mula sa floor at nasa labas sa buong fourth quarter.
“Nu’ng first game sinunod namin gameplan ni coach, ang ganda. Ang problema nu’ng humabol na sila umalis kami doon sa ilang buwan na naming ine-ensayo,” sabi ni Bolick.
“So itong game na ito in-emphasize ni coach na kahit ano mangyari ituloy lang kung ano ginagawa namin, kung maayos man kami o hindi.”
CLYDE MARIANO
Iskor:
NLEX (107) – Watkins 26, Bolick 23, Rodger 14, Torres 12, Valdez 11, Semerad 8, Amer 6, Herndon 3, Bahio 2, Mocon 2, Policarpio 0, Nermal 0.
BLACKWATER (95) – King 40, Chua 13, Tungcab 8, Kwekuteye 8, David 8, Montalbo 8, Ilagan 5, Escoto 5, Guinto 0, Jopia 0, Ponferrada 0, Suerte 0, Hill.
QUARTERS: 22-17, 53-46, 81-69, 107-95