Mga laro ngayon:
AUF Gym
4 p.m. – TNT vs Blackwater
6:45 p.m- Alaska vs Rain or Shine
SA WAKAS ay nakapasok ang NLEX Road Warriors sa win column makaraang pataubin ang NorthPort Batang Pier, 102-88, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga.
Sumandal si NLEX coach Yeng Guiao sa deadly troika nina Kiefer Ravena, Kevin Alas at JR Quinahan upang iposte ang one-sided victory at palawigin ang paghihirap ng NorthPort na nalasap ang ikaapat na sunod na kabiguan.
Nagbuhos si Ravena ng 25 points sa 7-of-10 shooting bukod sa limang rebounds at 4 assists, habang kumamada si Alas ng 16 points, 10 boards, at 6 dimes, at nagdagdag si Quinahan ng 17 points.
Kinontrol ng NLEX ang laro kung saan lumamang ito ng 11 points, 47-36, sa likod ng 6-0 run sa pinagsanib na puwersa nina Ravena at Alas tungo sa 49-39 halftime lead.
Tumapos si Ravena na may 11 points sa half time, kasama ang tres na nagbigay sa NLEX ng 41-34 bentahe, habang umiskor sina Alas at Quinahan ng tig-8 points.
“Finally, we snapped the three-game losing skid. I reminded the players to put their heart into the game and go for a win. They responded well and outsmarted NorthPort,” sabi ni Guiao.
Ayon kay Guiao, sa panalo ay tumaas ang kumpiyansa ng kanyang koponan, subalit inamin na nakakuha sila ng malaking break nang mawala si NorthPort forward Sean Anthony sa second half makaraang magtamo umano ng pulled hamstring.
“We did a good job defensively on Christian Standhardinger. We prepared for him, actually we know he’s a key guy. If he plays well most likely they’ll win,” sabi ni Guiao.
“We’re able to do that but we got a big break, with Sean Anthony not being able to go back sa game niya,” dagdag pa niya.
Isa pang dahilan sa pagkatalo ng NorthPort ang hindi magandang laro ni Filipino-American Christian Standhardinger na sa halip na makatulong ay naging liability sa koponan.
Panay ang balasa ni coach Pido Jarencio subalit hindi makabuo ng magandang formula para pigilin ang scoring machine nina Ravena, Alas at Quinahan’
Lumaban ang NorthPort sa kaagahan ng laro subalit hindi mapigil ang mainit na opensiba ng NLEX at bumigay sa huli. CLYDE MARIANO
NLEX (102) – Ravena 25, Quinahan 17, Alas 16, Cruz 10, Miranda 9, Porter 8, Soyud 7, Ayonayon 6, Ighalo 2, McAloney 2, Galanza 0, Semerad 0, Paniamogan 0, Galanza 0.
NORTHPORT (88) – Manganti 16, Ferrer 18, Lanete 13, Revilla 8, Elorde 8, Standhardinger 7, Taha 6, Subido 6, Cruz 0, Anthony 0, Nabong 2.
QS: 20-15, 49-39, 75-68,102-88
Comments are closed.