ROAD WARRIORS NANAGASA

Nlex vs Phoenix

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Rain or Shine vs Dyip

6:45 p.m. – Ginebra vs Alaska

SINAMANTALA ng NLEX ang pansamantalang pagkawala ni import Eugene Phelps upang itarak ang 121-116 panalo laban sa Phoenix sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Tumabo si Kiefer Ravena ng 20 points, 9 rebounds at 7 assists sa kanyang pagbabalik sa court mula sa mahigit isang taong suspensiyon mula sa FIBA.

“I have to prove myself I’m still an asset to the team after a long layoff. Kailangan kong tulungan ang team ko at masaya ako’t nagawa ko,” sabi ni Ravena.

Hindi naging madali ang panalo ng Road Warriors at kinailangan nilang kumayod nang husto bago iposte ang panalo.

Malaki rin ang naitulong nina import Olu Ashaolu, Larry Fonacier at Philip Paniamogan sa panalo ng tropa ni coach Yeng Guiao.

Nalagay sa ‘foul trouble’ si Eugene Phelps sa third quarter na sinamantala ng Road Warriors para sa somosyo sa liderato sa opening day winners Columbian at NorthPort. CLYDE MARIANO

Iskor:

NLEX (123)  – Ashaolu 29, Ravena 20, Paniamogan 14, Fonacier 11, Varilla 11, Quinahan 10, Cruz 9, Miranda 7, Galanza 6, Ighalo 4, Soyud 2, Erram 0.

Phoenix (116)  – Phelps 38, Wright 24, Chua 15, Mallari 14, Garcia 9, Jazul 7, Intal 5, Perkins 4, Marcelo 0, Potts 0, Kramer 0, Wilson 0.

QS: 27-29, 52-55, 94-84, 123-116