Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
7 p.m. – NLEX vs NorthPort
SINO sa NorthPort Batang Pier at NLEX Road Warriors ang kukuha sa huling silya sa semifinals sa PBA Governors’ Cup?
Malalaman ito ngayon sa muling pagsasalpukan ng Batang Pier at Road Warriors sa alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum. Ang mananalo ay sasamahan ang Meralco, Barangay Ginebra at Talk ‘N Text sa susunod na round.
Tinalo ng NorthPort ang twice-to-beat NLEX, 115-90, noong Lunes ng gabi upang ipuwersa ang deciding game.
Maglalaro ang Road Warriors na wala sina John Paul Erram at Paul Varilla makaraang suspendihin ang dalawa ng tig-isang laro dahil sa pagkakasangkot sa gulo sa Game 1.
“We have to play aggressive and solidify our defense. The game is very important to us and we cannot afford to lose,” sabi ni ace gunner Kiefer Ravena.
Dahil nasa kanyang mga kamay ang tagumpay ng NLEX, kailangang maglaro nang husto si import Manny Harris at muling ipakita na higit siyang magaling kay Qualls.
Walang sigla ang huling dalawang laro ni Harris kung saan natalo ang NLEX sa Alaska at NorthPort. CLYDE MARIANO
Comments are closed.