Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – NorthPort vs Magnolia
7:30 p.m. – Rain or Shine vs HK Eastern
KUMAMADA si Robert Bolick ng 32 points at nagbigay ng endgame leadership na kinakailangan ng NLEX upang malusutan ang Terrafirma, 104-85, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Naitala ni Bolick ang walo sa kanyang mga puntos sa huling limang minuto at sinimulang patatagin ang Road Warriors makaraang humabol ang Dyip mula sa 25-point deficit sa third quarter upang magbanta sa 81-88.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng NLEX matapos ang opening loss, subalit hindi nasiyahan si Jong Uichico sa resulta ng laro laban sa koponan na naglaro na all-Filipino sa buong second half.
“Why do they have to weather the storm? We were already in control of the game, why do they have to put themselves in that situation?” sabi ni Uichico.
“We gave up 55 points in the second half so we put themselves in that situation. It’s good, yes, that they weathered the storm. But there shouldn’t have been a storm.”
Ayon kay Uichico, hindi ito uubra kapag nakaharap ng NLEX ang San Miguel Beer sa Dec. 8 at ang Barangay Ginebra pagkalipas ng tatlong araw, kaya may mga aayusih sila sa mga darating na ensayo.
“Because we will be playing San Miguel Beer and Ginebra in the next games. We can probably get away with some mistakes (against some teams), but we can’t get away with those mistakes if you play San Miguel and Ginebra,” pagbibigay-diin ni Uichico.
Maganda rin ang nilaro ni Mike Watkins na may 26 points, 30 rebounds at 4 blocked shots.
“He gives us what we need. He’s got 30 rebounds, ‘yun ‘yung kailangan namin,” ani Uichico.
Ito ang ikatlong talo ng Terrafirma sa parehong dami ng laro.
Nanguna si Vic Manuel para sa Terrafirma na may 22 points, 18 ay mula sa third period nang tapyasin ng Dyip ang kanilang deficit sa 62-75.
CLYDE MARIANO
Iskor:
NLEX (104) – Bolick 32, Watkins 26, Torres 15, Semerad 13, Rodger 7, Herndon 3, Bahio 2, Fajardo 2, Valdez 2, Alas 2, Mocon 0, Amer 0, Marcelo 0.
TERRAFIRMA (85) – Manuel 22, Melecio 10, Ferrer 10, Pringle 9, Zaldivar 7, Nonoy 6, Richards 6, Sangalang 5, Olivario 3, Catapusan 3, Hernandez 2, Paraiso 2, Ramos 0, Hanapi 0.
QUARTERS: 27-11, 51-30, 75-62, 104-85