ROAD WARRIORS SALO SA TOP SPOT

Nlex

Mga laro sa Nob. 3:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – NorthPort vs Alaska

6:45 p.m. – Ginebra vs Meralco

HUMARUROT ang NLEX sa ika-4 na sunod na panalo makaraang gapiin ang Rain or Shine, 111-91, at sumosyo sa liderato sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Cuneta Astrodome.

Hindi umabot si import Manny Harris sa 40-point mark sa unang pagkakataon sa tatlong laro, subalit nagpakitang-gilas pa rin siya sa pagka­mada ng triple-double kung saan nalusutan ng Road Warriors ang matamlay na simula upang itarak ang ika-7 panalo sa walong laro.

Sumalo ang NLEX sa sister team TNT sa ibabaw ng standings.

“Nilamangan kami ng double digit and we had to fight back and it’s good they responded well and delivered the much needed points down the line,” sabi ni coach Yeng Guiao.

“To be honest with you, I’m terribly amazed getting the number one in the standing. It’s way beyond my wildest dream. Our target is to enter the top four and enjoy twice to beat advantage,” wika ni Guiao.

Tumapos si Harris na may 29 points, 12 rebounds, at 11 assists, habang limang iba pa ang tumapos sa double figures sa scoring.

Tumipa si Jericho Cruz ng 13 points, 5 assists, at 4 rebounds, habang nagdagdag sina Kiefer Ravena ng 12 points, 6 assists, at 3 steals, at Poy Erram ng 12 points, 8 rebounds, at 2 blocks sa panalo. CLYDE MARIANO

Iskor:

NLEX (111) – Harris 29, Cruz 13, Erram 12, Ravena 12, Quinahan 10, Soyud 10, Paniamogan 9, Miranda 6, Fonacier 3, Lao 3, Galanza 2, Taulava 2, Ighalo 0, Varilla 0.

Rain or Shine (91) – Ross 20, Mocon 17, Ponferada 13, Rosales 10, Belga 7, Onwubere 6, Norwood 4, Daquioag 4, Borboran 3, Exciminiano 3, Torres 2, Alejandro 2.

QS: 23-27, 51-49, 83-65, 111-91.

Comments are closed.