Standings:
W L
TNT 7 1
NLEX 6 1
Meralco 5 2
Barangay Ginebra 4 2
San Miguel Beer 5 3
Magnolia 4 4
Columbian 4 5
NorthPort 3 4
Alaska 2 6
Rain or Shine 2 6
Phoenix 2 6
Blackwater 2 6
Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. – Rain or Shine vs NLEX
7 p.m. – Blackwater vs Ginebra
PUNTIRYA ng NLEX ang ika-7 panalo at sumosyo sa liderato sa walang larong Talk ‘N Text sa pakikipagtipan sa Rain or Shine sa PBA Governors’ Cup ngayon sa Cuneta Astrodome.
Nakatakda ang salpukan ng Road Warriors at Elasto Painters sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng Ginebra at Blackwater sa alas-7 ng gabi.
Mataas ang morale ng NLEX sa kanilang tatlong sunod na panalo at determinadong talunin ang Rain or Shine makaraang dungisan ang imaku-ladang marka ng TNT noong Oktubre 25.
Pinapaboran ang Road Warriors dahil sa husay ng kanilang import na si Manny Harris na kumana ng 40 points kontra KJ McDaniels-led TNT.
Makakaharap ni coach Yeng Guiao ang koponan na matagal niyang ginabayan at binigyan ng titulo bago lumipat sa NLEX.
Muling pangungunahan ni Harris ang opensiba ng NLEX, katuwang sina Kiefer Ravena, Pablito Galanza, JR Quinahan, Larry Fonacier, Kenneth Ighalo, Philip Paniamogan at John Paul Erram.
Tatapatan naman ito nina Gabe Norwood, Jayvee Mocon, Mark Boboran, Norbert Torres, Ed Daquioag, Rey Nambatac at Kris Rosales.
Humina ang low post ng Rain or Shine sa paglisan ni 6-foot-6 Raymond Almazan at tiyak na sasamantalahin ito ng NLEX upang umangat sa 7-1 kartada. CLYDE MARIANO
Comments are closed.