INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority MMDA na naging matagumpay ang pagdaraos ng kauna-unahang Road to Zero Waste Summit ng ahensiya.
Ayon sa MMDA, sa huling araw ng Road to Zero Waste Summit ay ipinamalas ang mga best practices ng ilang mga eksperto at exhibitor na may kaugnayan sa recycling, waste segregation, at sustainable garbage disposal.
May mga private partner din ang nakilahok na nagbahagi rin ng kanilang kaalaman hinggil sa zero waste management options at recycling programs.
Ikinatuwa naman ng MMDA ang pakikiisa ng mga pribadong sector sa nasabing proyekto na naglalayong mabawasan ang mga basura napupunta sa mga estero, lansangan na naging sanhi ng mga pagbaha sa Metro Manila.
CRISPIN RIZAL