TULOY-tuloy ang pagbibigay ng Consultative Committee (ConCom) ng impormasyon at pagpapaliwanag sa publiko kung ano ang pederalismo.
Ito ay sa kabila ng naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na prayoridad ng pamahalaan ang inflation o pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa bansa kaysa sa pagsusulong ng pederalismo.
Ayon kay Atty. Lawrence Wacnang, miyembro ng ConCom, walang dahilan para pigilin at itigil ang kanilang ginagawang information dissemination o roadshow.
Aniya, patuloy ang pagpapalaganap ng kaalaman sa pederalismo hangga’t hindi sila pinipigilan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na siyang lead agency.
Sinabi pa ni Atty. Wacnang, kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi maaaring pigilan ang kanilang layuning ihatid ang magandang layunin ng pagbabago sa Saligang Batas dahil pangako niya ito noong panahon ng kampanya at centerpiece ng kanyang gobyerno.
Comments are closed.