ROBES, UMAPELA KAY PRRD NA SERTIPIKAHAN BILANG PANG-UNANG PRAYORIDAD ANG PRE-AUDIT BILL

Florida Robes

SA naising makatulong na tugunan ang kontrebersiya kaugnay sa pagsusuri sa pampublikong pondo, umapela si San Jose Del Monte Rep. Florida “Rida” Robes kay Pangulong Rodrigo Duterte na kagyat na sertipikahan ang sistema ng pre-audit bill na nakabimbin ngayon sa Kamara de Representante.

Sa pahayag ni Robes,  ang pre-audit system bill na inihain niya sa 18th Congress ang sagot upang mapigilan ang mga kontrobersiya kaugnay sa mga natutuklasan ng Commission on Audit sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan.

“If I may be allowed to make a suggestion and an appeal to our President, Rodrigo Roa Duterte, to certify as urgent House Bill No. 7124 which seeks to institutionalize a pre-audit system in the disbursement of public funds in order to prevent or minimize any questions on how public funds are used,” pahayag ni Robes.

Ipinaliwanag niya sa sa ilalim ng kanyang panukala, magiging mandato na sa ilalim ng pre-audit system na ang lahat ng transaksiyon at kontrata ay susuriin muna baga pa man ilabas ang pampublikong pondo para sa implementasyon.

Sa ganitong paraan matitiyak na ang pondo ng pamahalaan ay magagamit kung saan talaga ito inilaan sa loob ng itinakdang panahon.

Ang lahat ng gastusin at paggamit sa pondo ng pamahalaan na may kaugnayan proyektong pang-impraestriktura, pagbili ng mga kalakal at serbisyong pang-konsulta, kabilang ang pag-upa ng gamit at ari-arian ng alinmang sangay, tanggapan, ahensiya o instrumento ng gobyerno tulad ng kolehiyo at unibersidad na pinatatakbo ng pamahalaan, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno, mga institusyong pang-pinansiyal at lokal na pamahalaan ay sapilitang isasa­ilalim muna sa sistema ng pre-audit bago ilabas ang pondo para sa kanilang proyekto o kontrata.

“If this bill gets passed I sincerely believe that this will promote transparency and accountability in the disbursement of public funds and as it will ensure that government agencies and local government agencies have the capacity to implement the program within the allotted period,” sabi pa ng mambabatas.

Upang matiyak na hindi maaantala ang paglalabas ng pondo, maglalabas ang Commission on Audit ng Certificate of Pre-Audit sa loob ng 15-araw sa oras na matanggap na ang mga kaukulang dokumento. Sa oras na hindi naglabas ng sertipiko ang COA, may mandato silang tanggihan ang paglalabas nito sa wasto at legal na dahilan sa loob din ng 15-araw mula sa pagtanggap nila ng kaukulang dokumentong may kaugnayan sa pagpapalabas ng pondo ng pamahalaan.

Para maisakatuparan ang sistema ng pre-audit, nakapaloob sa panukala ang paglikha ng Pre-Audit Office sa COA para na rin sa pangangailangan ng tauhan upang magarantiyahan ang agarang pagtupad sa sistema.

Sa layuning maging bukas sa publiko, inaa­tasan ang COA na magsumite ng taunang ulat sa tanggapan ng Pangulo at sa Kongreso kaugnay sa kalagayan ng pagpapatupad ng pre-audit system bago at hindi lalagpas ng Hunyo 30 ng kada taon sa oras na ito’y maaprobahan.

Sa naunang pahayag ni Robes, sinabi niya na sa ilalim ng pre-audit system, maaaring maiwasan ang iba pang kontrobersiyang may kaugnayan sa paggamit ng pondo ng pamahalaan, tulad ng nararanasan ngayon ng Department of Health at iba pang sangay ng pamahalaan.

Comments are closed.