ROBIN AT PIOLO SANIB-PUWERSA SA MARAWI FILM

ROBIN_PIOLO

KINUMPIRMA ng award-winning director na si Sheron Dayoc ang balitang pagdidirek niya para sa reflectionMarawi film na ipo-prodyus nang pinagsanib-puwersa nina Piolo Pascual at Robin Padilla.

Nakausap namin si Direk Sheron sa launch ng Sinesaysay Docu Competition ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kung saan isa siya sa mga mentor para sa Bagong Sibol Category ng kumpetisyon.

Matagal nang gumagawa ng docu films si Direk Sheron pero nagsimula siya sa mga video works way back 2007. Pero nakilala siya sa mga pelikula niya na “Women of the Weeping River” at ang “The Crescent Crisis.”

Parehong tumatalakay sa Mindanao ang dalawang pamosong pelikula ni Direk Sheron.  Taga-Zamboanga kasi si Direk Sheron.

No wonder siya ng kinuha nina Piolo, Direk Joyce Bernal and Robin para sa Marawi movie na uumpisahan na ang shooting next month.

Magsho-shoot daw sila ng movie sa Marawi for one month. Tuluy-tuloy daw ‘yun kaya “ibabahay” na rin doon ang kanilang mga artista.

Confidential pa raw kung sino ang mga napili nila na mga artistang bibida sa movie. But definitely, kasama si Robin sa movie as one of the supporting actors.

“Hindi siya bida kasi iba ‘yung kailangan ng story. ” sabi pa niya.

Hindi rin kasama sa lead stars ng movie si Pio­lo pero baka mag-special  guest appearance ang aktor.

Last time tinanong naming si Robin about their movie, nabanggit ang pamangkin niya na si Daniel Padilla na nais niya sana na mapasama sa proyekto.

May mga pangalan naman daw ang mga nakuha nilang artista for the movie at merong taga-Kapamilya at Kapuso networks

ZUMBA KING GAGAWA NG PINAKAMALAKING

SESSION NA PANG-GUINESS WORLD RECORD

TAGGED as the Zumba King in the Philippines at nag-record ng kauna-unahang OPM Zumba album na Zayaw Pilipinas, pangungunahan ni Ron Antonio ang makagawa ng record bilang pinakamala­king Zumba session para sa Guinness World Records na gaganapin during the KAOGMA Festival celebration sa Camsur sa Sabado, Mayo 19.

“I will be with the 100 of my co-Zumba instructors. Plus we’re going to beat our own record which we did three years back, eto ‘yung 12,000 in Mandaluyong. But this time we’re gonna go 20,000 zumba goers,” paanyaya ni Ron.

Inimbita rin daw nila ang mga taga-Guinness World Records to the event to make sure that they will reach the 20,000 mark and break the record.

“Hopefully, ma-break namin ang record.  Actually, other countries are trying to do the same, ‘yung to beat the Philippine record. Pero walang tatalo sa Pilipinas e, kasi diehard tayo, e, Zumba, (we’re) a Zumba country, and we really love to dance,” sabi pa niya.

May mga celebrities din daw siya na ka-join mag-Zumba during the event gaya nina Sunshine Cruz at Yassi Pressman.

Comments are closed.