ROBIN PADILLA AT PIOLO PASCUAL GUSTONG TUMIRA SA MARAWI

ROBIN-PIOLO

MARAMI ang nangangamba sa magiging kalagayan nina Robin Padilla at Piolo Pascual oras na simulanhot shots na nila ang shooting sa Marawi.

Isang buwan daw kasi mananatili ang dalawa sa naturang lugar para sa shooting ng pelikulang Marawi.  Kahit kasi tapos na ang gulong nangyari sa Marawi at marami rin ang namatay na mga kababayan nating Muslim ay nandoon pa rin ang pangamba na maaaring mangyari.

Tulad ng baka may nakaamba pang panganib sa ilang lugar doon na pagdating sa land mines na itinanim ng mga teroristang bandido.

Tutol man ang production outfit ay wala silang magawa dahil mismong sina Binoe at Papa P daw ang nagdesisyona na tumira nang matagal sa Marawi para raw maramdaman ng dalawa nila ng personal ang naging sentro ng nangya­ring madugong labanan.

Sa isang taon pa nakatakdang ilabas ito sa mga sinehan at si Direk Joyce Bernal ang magdidirek ng Marawi na isa rin sa producer.

Speaking of Direk Joyce Bernal, siya ang naatasan magdirek ng naganap na SONA ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte last Monday. At marami ang humanga sa ginawang pagdidirek, siyempre di mawawala ang mga hindi naging kuntento.

Tulad ng may nagsasabi na medyo nagtampo raw si direk Brillante Mendoza na nagdirek ng nakaraang SONA ng Pangulo pero biglang nalaglag bilang director sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Duterte.

Dati-rati raw kasi kapag may itatanong o hihingan ng reaction ang award-winning director ng media ay kaagad itong nagre-reply, either through text or direct  message sa kanyang Facebook. Pero sa pagkakataon ito nang palitan siya ni Direk Joyce Bernal na magdirek ng SONA ay tila dedma na raw si Direk Brillante.

Ngayong tapos na ang pagdidirek ni Bb. Joyce Bernal ay waiting na ito sa mga puna ng mga kritiko sa showbiz at television. Pero anuman ang mangyari ay siguradong masayang-masaya si Direk Joyce dahil naidirek niya ang ating Pa­ngulo Duterte.

By the way, totoo kaya na si Robin Padilla daw ang nag-endorse kay PRRD na kunin si Direk Joyce Bernal para magdirek ng SONA?

BELA PADILLA DADALO SA KASAL NINA ANGEL AT NEIL KUNG IIMBITAHAN

BELA PADILLAANG magkaibigan na sina Bela Padilla at Kim Chiu ang guest ni Vice Ganda one Sunday sa kanyang show na Gandang Gabi Vice. May segment kasi sa show na Tanong Mo, Mukha Mo kung saan magtatanong ang guest sa mga larawang ipakikita sa kanila at isa nga sa ipinakita ay ang larawan ni Angel Locsin.

Walang kagatol-gatol na sinabi ng dalawa na dadalo sila sa kasal ni Angel at Neil na ex-boyfriend ni Bela.

Tanong ni Kim sa larawan ay kung kailan ang kasal nina Angel at Neil? Tanong naman ni Bela ay kung invited ba raw sila sa kasal?

At saka sabi ng dalawa na walang kagatol-gatol na dadalo raw sila sa kasal kung iimbitahan sila ng ikakasal.

Ayon kay Bella ay sobrang friends daw sila ni Angel at ganoon din ang ex-boyfriend na si Neil.

“Si Neil kasi nakakatrabaho ko pa. So, sobrang walang problema,” say ni Bela.

Matatandaan, matagal ding naging magdyowa sina Bela at Neil. Nandoon naging magkatuwang pa sila sa production outfit na itinayo ng ex-boyfriend.

Kaya parang balewala at ‘di man lang nakaramdam ng sakit si Bela nang mabalitaan na ikakasal na nga ito sa kaibigan na si Angel.

Tapos ng larawan ni Angel ay sumunod naman ang larawan ni Bea Alonzo na ex-boyfriend ni Zanjoe Marudo na naging ex din ni Bela.

Ang tanong ni Bela kay Bea ay kung gusto raw ba nito siya makatrabaho? Tanong tuloy ni Vice kay Bela ay bakit ganoon ang naging tanong niya?

Sagot naman ni Bela ay hindi pa raw sila nagkakasama sa isang proyekto ni Bea.

Tinanong muli ni Vice kay Bela kung sino ang gusto niyang maging leading man nila. Kaagad na sagot ni Bela ay si Piolo Pascual dahil tulad din daw ni Bea ay hindi pa rin raw niya nakakatrabaho si Papa P.

Sundot na tanong ni Vice kay Bela ay kung puwede raw ba si Zanjoe (Marudo) maging leading man nila? Sabi ni Bela, okey lang at walang problema dahil naging maganda rin daw naman ang kanilang naging samahan.

Kung sakaling si Zanjoe nga magiging leading man nila, ano raw eksena ang gusto niya sa dating minahal na actor?

Sagot ni Bela na natatawa ay gusto raw niyang eksena ay sinasampal niya si Zanjoe. Wala pa raw kasi silang nagawang eksena na sinampal niya ito nang magkatrabaho sila ng actor.

Dahil sa naging sagot ni Bela ay nagkaroon tuloy ng hinala ang mga nakapanood ng segment na masama pa rin ang loob ni Bela kay Zanjoe hanggang nga­yon. At bilang ganti ay gusto nitong sampalin ang actor kung sila ay magkakasama sa isang project.

Comments are closed.