ROBIN PADILLA NAGLABAS NG SAMA NG LOOB SA NAKARAANG ADMINISTRASYON

HINDI nagustuhan ni Robin Padilla ang paglabas ng tarpaulin sa iba’t ibang lugar ng Maynila na mayhot shots nakasulat na, “Welcome to the Philippines, Province of China.”

“Bukod sa katangahan ay isang napakalaking KATRAYDURAN ang propaganda  na ito ng mga taong nais bahiran ng politika ang gumagandang relasyon ng Inangbayan Filipinas at ng ninunong China,” ang bahagi ng paglalabas ng sama ng loob ni Robin sa kanyang Instagram.

Post pa ni Robin sa bandang huli, “Ang sigalot sa South China Sea/West Philippine Sea ay dulot yan ng mga maling desisyon ng mga nagdaang gobyerno!

“Una sa pag-handle ng North Borneo. Pangalawa sa Spratlys. Pangatlo itong Scarborough Shoal na ayon sa A-1 information ay binili mismo ng ninunong China sa mga local government ng Filipinas ang mga lupang ginamit nila sa pagtatayo ng airstrip at military base sa mga isla na pinag-aagawan. Panahon po ito ng nakaraang administrasyon.”

Samantala, malabo na nga na makasama ni Robin ang pamang­kin na si Daniel Padilla sa pagsasapelikula ng Marawi  kung saan co-producer niya si Piolo Pascual at direk Joyce Bernal.

Kinumpirma ni Pio­lo na hindi na nga nila makakasama si PJ (palayaw ni Daniel) dahil sa schedule ng young actor.

“Si PJ kasi, mahirap, kasi we`re  gonna shoot in August and his movie (The How`s of Us with Kathryn Bernardo) is coming out in August,” paliwanag ni Papa P nang makausap ng press.

“Kung kaylan kaila­ngan nang irehabilitate ‘yung Marawi so, hindi kami nakadepende sa schedule ng artista.”

Napakaganda raw talaga ng istorya at masu­werte raw kung sino ang makakakuha sa role na dapat sana para kay PJ.

Sa tanong kung may napili na silang ipapalit kay Daniel?

“We`re  still casting. Meron naman ka­ming naka-lineup. Maski ako, aarte rin ako, kinuha ako ng director, hindi ko alam kung kakayanin ko. Pero ayun, ‘pag nangyari  ‘yun, mala­king pasasalamat  din dahil hindi naman para sa akin ito. Para sa mga tao, para sa bayan,” aniya.

SUNSHINE CRUZ DEDMA NA SA NEGATIVE VIBES    

SA rami ng blessing na dumarating kay Sunshine Cruz ay dedma na ito na bigyan ng attention ang mgaSUNSHINE CRUZ3 negative vibes. Bukod sa serye niya sa GMA 7 ay may dalawa pa siyang pelikula ginagawa, isama pa ang mga endorsement.

“Kapag happy ka, may mga dumarating na negative forces para sirain ang positive vibes  mo. Noon, apektado ako. Pero ngayon, hindi na.

“Natuto na akong ma­ging strong dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa akin na nagbibigay ng mga positive pieces of advice.

“I learned to be strong because of the strong women sa buhay ko. That includes my mother, my sisters, my daughters, my friends and my co-workers.

“Kapag napaliligiran ka ng mga tamang tao, maganda ang outlook mo sa buhay araw-araw,” say ni Sunshine nang ma-interview ng press.

Isa pa sa hinangaan kay Sunshine ng millennials ay kung paano niya alagaan ang sarili, partikular ang kanyang katawan.

At 41 years old ay super seksi pa rin ni Sunshine. Sabi nga ay talo pa raw ng beauty niya ang mga sexy teenagers ngayon.

Comments are closed.