ROBIN PADILLA PINALAGAN ANG PAGPAPATALSIK KAY DIGONG

HINDI napigilan ni  Robin Padilla ang maglabas ng kanyang sama ng loob kaugnay ng panawagan ng ibang sektor na patalsikin angThe point Pangulong Duterte sa kanyang posisyon.

Noon kasing April 1,April Fools’ Day, nag-trending sa Twitter ang hashtag na #OUSTDUTERTENOW dahil sa naging statement ng Pangulo sa ginanap na press briefing sa Malacañang.Sey ni Robin, dapat umanong mag-concentrate ang mga Pinoy sa pagtutulungan .

“Hindi ito ang oras para magpagalingan sa salita at tula lalo ng talumpati nakalipas na ang panahon na ‘yun sapagkat ito na oras ng aksyon at paglakad kung maari ay pagtakbo upang makagawa ng mabuti hindi lamang sa kapwa kundi para sa sarili unang una,” saad ng kanyang post sa kanyang socmed account.

Ayon pa sa aktor, ang virus umano ang dahilan ng paggising ng mundo at ang higit din na nakikinabang dito ay ang inang kalikasan.

Dagdag pa niya, “may mga napapabayaan ng mga LGU pero ‘yun ang paraan para makilala ninyo ang inyong mga pinuno meron namang tumutulong ng walang kapalit hindi sa nais na magpakilala kundi dumaramay lamang at nakikipagkapwa tao.”

Kaya’t kung wala naman umanong sasabihin na maganda o makakatulong ay manahimik na lamang. Tumulong na lang daw sa frontliners.

“Magtiwala tayo sa Panginoong Maylikha dahil nasa kanya ang awa kumilos tayong lahat dahil nasa atin ang gawa nobody will do the battle for us in this war! “all of us are in this war! All of us are soldiers, this is not the time for politicking. Speeches destabilizing the government now is clear treason. We cannot surrender the fight, we fight together we will win! We fight among ourselves we lose….and we cannot be the author of our own extinction as Filipinos. God forbid! God have mercy!,” ani Robin.

Sa ngayon, trending naman sa Twitter ang #IStandbythePresident.

Comments are closed.