HINOG na sa panahon upang amyendahan ang Saligang Batas para sa economic reforms gamit ang people’s initiative o direktang partisipasyon ng taumbayan na isulong ang mga reporma na lilikha ng maraming trabaho at oportunidad sa mga Pilipino.
Sinabi ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na kailangan lamang na maging maingat sa proseso upang makuha ang boses ng sambayanan at hindi magamit sa anomang pansariling interes.
“Peoples initiative: Vox populi, vox Dei. Ang boses ng taongbayan ay boses ng Dios… Pag-usapan ng matino ang peoples initiative,” ani Padilla, na tagapangulo ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes.
“Taumbayan lamang ang makapagdadala ng tunay na pagbabago ng sistema tungo sa ikauunlad ng Bayan. Ibigay natin ang ating suporta sa peoples initiative,” dagdag niya.
“Ito na ang panahon para maresolba ang naiwang tanong sa ating Saligang Batas patungkol sa pag-amyenda o rebisyon ng ating Constitution. Tanging taongbayan na lamang ang maaring magdesisyon,” aniya.