“ROBINSONS BANK HAS ALWAYS BEEN MY FINANCIAL PARTNER AS I GREW MY BUSINESS”

PAWS

Client Feature: Vicky Sy’s Robinsons Bank Small Business Loan Success Story

ANG PAMILYA ni Vicky Sy ay kabilang sa mahigit 10 milyong pamil­yang Pinoy na nagsi­sikap para gumanda ang kanilang buhay. Kasama ang kanyang asawa na si Mike Sy, kailangan nilang masi­guro na may maihahain sila sa hapag kainan at mapag-aaral nila ang kanilang mga anak.

Noong 2004, ang pagpasok ni Mrs. Sy sa retail industry ay nagsimula sa pagsali sa bazaars at iba pang sales events. Nagsimula siya sa pagbebenta ng iba’t ibang uri ng damit, bag, laruan, gift wraps, at iba pang produkto upang suportahan ang mga pang-araw-araw na panganga­ilangan ng kanyang pamilya.

Noong sumunod na taon, iminungkahi ng kanyang kapatid na lalaki na isama ang pet diapers sa kanyang mga produkto at sa kasawiang-palad, hindi siya kumita nang husto mula rito. Naka­kita siya noon ng ibang paraan para maialok at maibenta ito sa iba’t ibang pet shops at veterinary clinics sa kanilang lugar.

Mula sa paglahok sa retail bazaars at sales conventions hanggang sa pagbebenta ulit ng pet dia­pers saPAWS veterinary clinics, nagpasiya siya noon na simulan ang kanyang pet apparel business. Sa gabay ng ilang kaibigan sa retail industry, nakakuha siya ng mga produkto, partikular para sa mga pusa at aso.

“I can still remember the time na typical red and white Divisoria plastic bag ang pinag­lalagyan ko ng items na pinang-aalok ko sa ­customers,” ayon kay Mrs. Sy.

Sa patuloy niyang pag-iiba-iba ng negosyo, kalaunan ay nakilala ito at nagkaroon siya ng maraming customers na naging malaking hamon din sa kanya at sa kanyang mister. Upang mai-supply ang luma­laking pangangailangan ng ­orders, kinailangan  nila ng hindi bababa sa  P200,000 upang maihatid ang mga produkto.

Noong 2006 ay nagpasiya silang magbukas ng kanilang unang bank account sa Robinsons Bank Caloocan Branch.

“That’s when our journey as ‘partners’ started. Hesitant ako du­ring that time na mag-loan dahil nag-inquire din ako sa ibang bank, but they have very strict policies and high maintaining balance na hindi ko afford dahil puro paikot lang din ang puhunan ko. But the RBank team was very accommoda­ting hindi dahil client kami, pero tinrato nila kaming partner at tinulungan. And I am very much happy that through the years, Robinsons Bank has always been my financial partner as I grew my business and managed my finances,” ani Vicky.

Bilang bahagi ng bunga ng kanilang paghihirap at investment, si Vicky at ang kanyang mister ay nagkaroon ng pagkakataon na bisitahin ang Tacloban noong  2017 kung saan pumirma sila sa leasing contract sa Robinsons North Tacloban para sa retail space. Ina­lok siya ng Robinsons Bank ng Small Business Loan (SBL) para sa pagtatayo ng kanyang mall store dahil kailangan tala­ga nila ng budget. Umasa sa Robinsons Bank, masaya siyang nag-apply ng SBL loan at sinunod ang lahat ng rekisito.

“Dahil sa teamwork ng branch and SBL team, never ako na-hassle with any tran­sactions and deals with Robinsons Bank. Sila pa ang tumawag to inform me about my loan.” Para sa kanya, tama ang kanyang desisyon na mangutang sa Robinsons Bank. Labis ang kanyang pasasalamat dahil naging mabilis ang pagproseso sa kanyang loan application na tunay na nakatulong sa kanyang negosyo.

PAWSSa kasalukuyan, ang kanilang pet store, ang “Paws around the Town”, ay kilala at dinarayo sa Tacloban, at plano nila na mag-expand sa ibang lugar. Ang pagi­ging positibo ni Vicky ang nagdala sa kanyang negosyo sa kinalalagyan nito ngayon.

“Ang tunay na negos­yo ay hindi naman nasu­sukat sa liit o laki, para sa akin is how you touch lives mula sa mga kli­yente, supplier, at mga tauhan mo – kung paano mo napasaya, nabago, at natulungan by giving them secured jobs.”

Nag-iwan din si Vicky ng mensahe sa kanyang mga kapuwa negosyante, “Don’t be afraid to face challenges because ito ang magtuturo at gagabay sa pagtatagumpay mo. Never be hesitant to try even if you think it’s impos­sible. Walang easy mo­ney sa industriya, lahat ng paghihirap ay worth it sa huli. Always keep your credi­bility kahit sarili mong savings ang nakataya. At kung malayo na ang nara­rating ng negosyo, be humble and always look back to where you started. Treat your team and emplo­yees as partners, kung wala sila ay hindi tatakbo ang negos­yo. And of course, never forget to thank the Lord for every single day, be it good or bad. Lagi lang siyang nakagabay.”