ISINAGAWA ng Robinsons Bank (RBank), kasama ang ING Bank, ang kanilang Long-term Negotiable Certificates of Deposits (LTNCD) Investors’ Briefing sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas Center kamakailan.
Ang Robinsons Bank ay nakatakdang mag-isyu ng P5-billion long-term negotiable certificates of deposits (LTNCDs) upang suportahan ang expansion initiatives ng bangko at pag-iba-ibahin ang maturity profile ng funding sources nito. Inaprubahan ng board ng Robinsons Bank ang pag-iisyu ng naturang LTNCDs sa isa o dalawang tranches sa loob ng isang taon.
Ang LTNCD ay isang deposit product na may mas mahabang maturity at nag-aalok ng mas mataas na returns kumpara sa regular deposit.
“This instrument is negotiable and insured by the Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) up to a maximum coverage per depositor at P500,000 presently. If held for more than five years, this instrument is tax exempt for qualified individuals,” ayon sa bangko.
Ang bangko ay mag-aalok ng LTNCDs na may tenor na 5.5 taon at indicative rate na 4.875%. Ang instrument ay ipalalabas sa minimum denominations na P50,000 at may dagdag na P10,000 pagkatapos nito. Ang offer period ay mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 9, 2018.
Inaprubahan ng BSP Monetary Board ang LTNCD issuance ng bangko noong Hunyo 5, 2018. Kinuha ng bangko ang ING Bank NV bilang sole arranger, bookrunner at selling agent, habang ang Robinsons Bank ay magsisilbi ring selling agent para sa offering na ito.
Ang Robinsons Bank ay nagtala ng pinakamalaking paglago sa assets, loans, at deposits sa 1st quarter ng taon.
“This represents the Bank’s commitment to provide financial flexibility to its customers, as it has been doing for over 20 years. More exciting products and services are continuously developed by the bank to create opportunities for people to live an easy life.”
Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa Robinsons Bank sa pamamagitan ng Customer Care Center nito sa (02) 637-CARE (2273) o domestic toll-free 1-800-10-637-CARE (2273); o bisitahin ang website nito sa www.robinsonsbank.com.ph. I-like sila sa Facebook sa www.facebook.com/ robinsonsbank/ at i-follow sila sa Twitter @RBankCorp.
Comments are closed.