ISABELA – IKINAGALAK ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino La Madrid Dy ang panalong robotics team mula sa National High School (CCNHS).
Ang Robotics Team ng nasabing paaralan ang lumahok sa RoboRave Philippines 2019 na ginanap sa Camp Benjamin, Alfonzo, Cavite noong Octubre 2019.
Ang Cauayan City National High School ay 1st place sa Entrepreneurial Challenge (Best Research) habang 3rd place din sila sa (Best Business Card) at 3rd place pa rin sila sa IQ Innovative Challenge.
Nakasama sa Robotics Team ng CCNHS ang mga mag-aaral na sina Justine Aguinaldo bilang team leader, Kieth Veniz, Lorraine Kei Aguinaldo, Micah Seiri, Jozsa Marlise PAZ, Athea Lois, Aira Mae Velasquez, Hens Cleverzon Diaz, KC Morales Edra, Jarred Aquino Mates, at Christian Josua Quilang Alberto.
Habang ang coach nila ay sina Mr. Ronnel Asuncion at Ms. Agnes Trinidad Palaruan, na silang matiyagang nagbigay ng suporta upang maiuwi ng Robotics Team ng Philippine Yuh Chiao School Cabatuan, Isabela ang 2nd place habang 3rd place ang Maritime School sa Bataan.
Pahayag ni Justine Reign Aguinaldo, isang malaking karangalan na tanghaling kampeon lalo na ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok ang CCNHS sa nasabing kompetisyon at ang nanalong grupo ay inimbitahan na maging kinatawan ng bansa sa gaganaping Roborave International sa Australia.
Nakatunggali ng CCNHS Robotics Team ang iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Filipinas kabilang na ang University of the Philippines (UP) Integrated School at Philippine Science High School (PSHS).
Nakatuon ang kanilang robot sa pagkuha ng impormasyon sa tubig na maaaring gamitin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). IRENE GONZALES
Comments are closed.