ROBREDO ITINALAGANG DRUG CZAR NI DUTERTE

ITINALAGA ni ­Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng inter-agency com-mittee on illegal drugs.

Base sa memoradum ni Pangulong Duterte kay Robredo na may petsang Oktubre 31, 2019, pangungunahan ng bise presidente bilang drug czar ang kampanya ng pamahalaan laban sa ­ilegal na droga na tatagal hanggang Hunyo 30, 2022.

Inatasan din ng ­Pangulo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ­Philippine National Police (PNP), Dangerous Drugs Board (DDB) at iba pang law enforcement agencies na bigyan ng full assistance at kooperasyon si Robredo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang hakbang na ito ng Pangulong Duterte ay patunay lamang na seryoso siya sa alok kay Robredo.

Sinabi ni Panelo na pinagbigyan na rin ng Malakanyang ang batikos ng mga kritiko na idaan sa pormal na komunikasyon ang pagtatalaga kay Robredo at hindi lamang verbal ang alok na ito sa bise presidente.

“With this development, the Palace supposes that detractors and critics will finally see the sincerity of the President in making such offer to the Vice President and understand that the Chief Executive’s ultimate motivation in making the same is the welfare of the Filipino people, with the hope that the government be successful in combatting the atrocity caused by the use and trade of illegal narcotics, regardless of who greatly contributed to such success,” dagdag pa ni Panelo.

Magugunita na makailang beses nang binatikos ni Robredo ang anti drug war campaign ni Pangulong Duterte at sinabing palpak aniya ito.

Samantala, nagpahayag ng pagsuporta ang  pamunuan ng Philippine National Police  sa pagkakatalaga kay Robredo bilang pinuno ng inter-agency committee on anti-illegal drugs.

“The PNP will comply and abide by the order of the president,”  pahayag ni  PNP Spokesman Bgen. Bernard Banac.

Ibibigay umano ng PNP ang buong suporta sa bise presidente.

Nauna rito ay  nagpahayag si PDEA Director General Aaron Aquino na duda siya kung kakayanin ni VP Leni ang responsabilidad bilang drug czar.

Ayon kay Aquino, base sa kanyang pansariling pananaw posibleng hindi magampanan nang husto ng bise presidente ang bagong posisyon  na pangunahan ang drug war sa bansa dahil sa kakula­ngan ng eksperyensiya.

Batay sa dokumento, pirmado ni Pangulong Duterte ang designation paper ni VP Robredo noong Oktubre 31 bago ito tumulak papuntang Bangkok, Thailand  para  dumalo sa 35th ASEAN Leaders’ Summit. EVELYN QUIROZ, VERLIN RUIZ