ROBREDO PAHINGA MUNA SA PULITIKA

Leni Robredo

HINDI muna magtatrabaho sa anumang ahensiya ng gobyerno si Vice President Leni Robredo.

Sagot ito ni Atty. Barry Gutierrez, Spokesperson ni Robredo sa posibilidad na pagsisilbi muli ng vice president sa gobyerno sa ilalim ng Marcos administration.

Sinabi ni Gutierrez na naka-focus lamang ang atensiyon ni Robredo sa pagtatapos ng kanyang termino at magkaroon ng maayos na transition at pagsasara ng lahat ng programa ng Office of the Vice President.

Maaari aniyang makikiisa si Robredo sa isang civil society non-government organization para maipagpatuloy ang serbisyo sa mga Pilipino.

Magugunitang inanunsiyo ng kampo ni Robredo ang paglulunsad ng non-government organization na Angat Buhay sa Hulyo 1 o isang araw matapos siyang bumaba sa puwesto. DWIZ882