ROCCO NACINO SUMISIGLA ‘PAG NAIISIP ANG RESPONSIBILIDAD BILANG SUNDALO

NAGSIMULA nang mag-mili­tary training para sa role na gagam­panan sa wallfaceDescendants of the Sun na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes si Rocco Nacino na  tila may panibagong tinatahak sa kanyang karir.

Kinarir na nga niya ang pagiging isang  military man, nagpa-enlist siya bilang isang navy personnel at kamakailan lang ay pormal na nang nag-undergo sa isang initiation si Rocco para sa pormal na training.

Ayon sa aktor, halos sumuko na siya sa hirap sa welcome initiation. Hindi man sinabi ni Rocco kung ano ang pinagdaanang hirap, nasabi lang nito na halos pulikatin siya sa unang physical test na kanyang sinabakan. Tuwing Sabado ang kanilang training, kung saan ay may lecture, home-work, may exam at may program pa raw silang ginagawa every Saturday. Lahat daw ng mabibigat na pagsubok na dinadaanan ngayon ni Rocco sa training ay nawawala tuwing pumapasok siya.

Naka-uniform kasi sila na pang-navy o sun­dalo at sa tuwing suot-suot ito ni Rocco ay lalo siyang sumi­sigla at naiisip ang responsibilidad na nakaatang sa isang sundalo sa pagtatanggol sa ating bansa. ‘Di kaya iwan na rin ni Rocco ang kanyang showbiz career at maging sundalo na lang ng tuluyan? Passion din kasi ni Rocco ang pagiging sundalo kahit na noong bata pa raw siya.

THIA THOMALLA HANDANG MA-BASH NG ADN

SHE was crowned the very first Pinay Miss Eco International 2018 and a now a THIA THOMALLAGMA Artist contract star. Kung kaya labis-labis ang kasiyahan na naramdaman niya nang mapili siya bilang bagong leading lady ni Alden Richards para sa teleseryeng “The Gift” na mapanonood na simula September 16.

Say ni Thia Thomalla, nang malaman niya na may audition para sa bagong leading lady ni Alden ay agad-agad naman daw siya nag-audition. Pero bago pa man dumating ang araw na makatanggap siya ng call from GMA 7 na siya ang napili ay kamamatay lang ng kanyang kapatid. Malaking dagok ito sa buhay ni Thia at nakaram­dam siya ng sobrang kalungkutan and depression.

Ngayon, nakapag-adjust na ang byuti niya sa kalungkutan sa malaking tulong na rin ng kanyang bagong karir, ang showbiz. Pero simula pa lang ito ng kasiyahan para kay Thia dahil knowing na buhay na buhay pa ang libo-libong followers ng AlDub Nation, tiyak may matatanggap na bash ang kanyang byuti.

Ani ni Thia, open and ready naman daw siya mga negatibong komentong matatanggap niya at ginagawa niya itong batayan para mas lalo pang galingan ang pinasok na larangan. Ma­ging noong naging beauty queen daw siya ay hindi rin naman siya nakaligtas sa bashers kaya tila nakasanayan na rin niya ang panlalait sa social media.