KUMANA si Jahlil Okafor ng 27 points at nalusutan ng kulang sa taong New Orleans ang malaking maagang deficit upang pabagsakin ang Houston, 121-116, sa kanilang unang laro magmula nang ihayag ng agent ni Anthony Davis na nais ng five-time All-Star na ma-trade.
Nagpasabog si James Harden ng 37 points para sa Houston upang palawigin ang kanyang streak na 30-point games sa 24, subalit hindi ito sapat upang bigyan ng panalo ang Rockets. Nagtala rin siya ng 11 rebounds, 6 assists at 4 steals.
Tumipa si Jrue Holiday ng 19 points, 8 assists, 6 rebounds at career-high 6 blocks para sa New Orleans. Si Davis ay hindi naglaro sa ika-5 sunod na game dahil sa sprained left index finger.
Pinutol ng Pelicans ang three-game skid.
BUCKS 115, PISTONS 105
Tumapos si Giannis Antetokounmpo na may 21 points, 11 assists at 8 rebounds upang tulungan ang Milwaukee Bucks na igupo ang Detroit Pis-tons, at manatiling tanging koponan sa liga na hindi nakalasap ng dalawang sunod na talo.
Umangat ang NBA-leading Bucks sa 13-0 matapos na matalo sa isang game.
Naitala ni Brook Lopez ng Milwaukee ang 12 sa kanyang 14 points sa first quarter nang malimitahan si Antetokounmpo sa tatlong puntos.
Gumawa si Eric Bledsoe ng 20 points, umiskor si reserve Pat Connaughton ng 16 points, kumamada si Khris Middleton ng 15 points at nagdagdag si Tony Snell ng 11 points para sa Bucks, na nanalo ng pito sa walo.
Napantayan ni Reggie Jackson ang season-high 25 points, tumipa si Andre Drummond ng 20 points at 13 rebounds, at nagsalansan si Blake Griffin ng 18 points, 9 assists at 7 rebounds para sa Pistons.
SPURS 126, SUNS 124
Naisalpak ni Rudy Gay ang isang 21-foot jumper sa buzzer at nalusutan ng San Antonio ang 38 points ni Devin Booker upang maitakas ang panalo.
Tumapos si LaMarcus Aldridge na may 29 points at 14 rebounds para sa San Antonio, na 2-0 sa four-game homestand sa kabila ng paglalaro na wala si injured DeMar DeRozan. Nagposte si Gay ng 16 points, 5 rebounds at 5 assists.
Nalasap ng Suns ang ika-11 sunod na talo sa San Antonio.
THUNDER 126, MAGIC 117
Humataw si Paul George ng 37 points, nagposte si Russell Westbrook ng isa pang triple-double, at naitala ni Dennis Schroder ang 18 sa kanyang 21 points sa fourth quarter upang pangunahan ang Oklahoma City laban sa Orlando.
Kumamada si Westbrook ng 23 points, 14 rebounds at 14 assists sa kanyang ika-4 na sunod na triple-double.
Nanguna si Nikola Vucevic para sa Orlando na may 27 points at 11 rebounds. Umiskor si Evan Fournier ng 17 at nagdagdag sina Aaron Gordon at Terrence Ross ng tig-16 para sa Magic, na nalasap ang ika-4 na sunod na talo at ika-7 sa walong laro.
76ERS 121, LAKERS 105
Bumanat si Joel Embiid ng 28 points at nagdagdag si Jimmy Butler ng 20 sa panalo ng Philadelphia laban sa Los Angeles.
Tumirada si Brandon Ingram ng career-high 36 points para sa kulang sa taong Lakers, na naglaro na wala sina Kyle Kuzma (hip), LeBron James at Lonzo Ball.
NETS 122, BULLS 117
Gumawa si D’Angelo Russell ng 30 points at nag-ambag si Shabazz Napier ng 24 mula sa bench upang tulungan ang Brooklyn na gapiin ang Chi-cago para sa kanilang ika-9 na sunod na panalo sa home.
Nagposte sina Rondae Hollis-Jefferson ng 18 points at Joe Harris ng 17 para sa Nets, na nanalo sa kanilang huling 14 sa Barclays Center.
Tumipa si Zach Levine ng 26 points at nagdagdag si Jabari Parker ng 22 points at 9 rebounds para sa Bulls, na natalo ng apat na sunod at 10 sa 11.
Bumanat si Lauri Markkanen ng 18 points at career-high 19 rebounds.
CAVALIERS 116, WIZARDS 113
Kumamada si Jordan Clarkson ng 28 points at nagdagdag si Cedi Osman ng 26 upang pangunahan ang Cleveland laban sa Washington.
Napantayan ng Cleveland ang season high na may 15 3-pointers.
Naitala ng Cavaliers ang back-to-back wins sa ikalawang pagkakataon ngayong season.
Comments are closed.